+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «الإيمانُ بِضْعٌ وَسَبْعُونَ أو بِضْعٌ وسِتُّونَ شُعْبَةً: فَأَفْضَلُهَا قَوْلُ: لا إله إلا الله، وَأَدْنَاهَا إِمَاطَةُ الأَذَى عَنِ الطَّرِيقِ، وَالحَيَاءُ شُعْبَةٌ مِنَ الإِيمَانِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Pananampalataya ay higit sa pitumpu o higit sa animnapung sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi ng Walang Diyos kundi si Allah, at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng Pananampalataya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ang Pananampalataya ay hindi iisang katangian o iisang sangay, bagkus ito ay maraming sangay: higit sa pitumpu o higit sa animnapung sangay subalit ang pinakamainam sa mga ito ay iisang pangungusap. Ito ay ang Walang Diyos kundi si Allah. Ang pinakamadali sa mga ito ay ang pag-aalis ng bawat nakasasakit sa mga nagdaraan gaya ng bato o tinik o iba pa roon mula sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng Pananampalataya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan