عَنْ عِكْرِمَةَ:
أَنَّ عَلِيًّا رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ حَرَّقَ قَوْمًا، فَبَلَغَ ابْنَ عَبَّاسٍ فَقَالَ: لَوْ كُنْتُ أَنَا لَمْ أُحَرِّقْهُمْ لِأَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «لاَ تُعَذِّبُوا بِعَذَابِ اللَّهِ»، وَلَقَتَلْتُهُمْ كَمَا قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «مَنْ بَدَّلَ دِينَهُ فَاقْتُلُوهُ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 3017]
المزيــد ...
Ayon kay `Ikrimah:
{Si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) ay sumunog ng mga tao saka nakarating iyon sa Anak ni `Abbās kaya nagsabi siya: "Kung sakaling naging ako siya, hindi ako magsusunog sa kanila dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: 'Huwag kayong magparusa ng pagdurusang dulot ni Allāh.' Talagang pagpapatayin ko sila gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): 'Ang sinumang nagpalit ng relihiyon ay patayin ninyo.'"}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 3017]
Nagpasya si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) kaya sumunog ito sa apoy ng mga taong kabilang sa mga ereheng tumalikod sa Islām saka nakarating iyon kay `Abdullāh bin `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa). Kumatig naman siya roon sa pagpatay sa kanila subalit tumutol siya sa pagsunog sa kanila sa apoy. Nagsabi siya: "Kung sakaling ako ay naging nasa lugar niya, talagang hindi ako magsusunog sa kanila dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naglinaw na walang magpaparusa sa pamamagitan ng apoy kundi si Allāh subalit makasasapat ang pagpatay sa kanila yayamang nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang tumalikod sa Islām at nagpalit ng relihiyon niya ng iba pang relihiyon ay patayin ninyo."