عَنْ إِيَاسِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ أَبِي ذُبَابٍ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَا تَضْرِبُوا إِمَاءَ اللَّهِ» فَجَاءَ عُمَرُ إِلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: ذَئِرْنَ النِّسَاءُ عَلَى أَزْوَاجِهِنَّ، فَرَخَّصَ فِي ضَرْبِهِنَّ، فَأَطَافَ بِآلِ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نِسَاءٌ كَثِيرٌ يَشْكُونَ أَزْوَاجَهُنَّ، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «لَقَدْ طَافَ بِآلِ مُحَمَّدٍ نِسَاءٌ كَثِيرٌ يَشْكُونَ أَزْوَاجَهُنَّ، لَيْسَ أُولَئِكَ بِخِيَارِكُمْ».
[صحيح] - [رواه أبو داود وابن ماجه] - [سنن أبي داود: 2146]
المزيــد ...
Ayon kay Iyās bin `Abdillāh bin Abī Dhubāb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Huwag kayong mamalo ng mga babaing alipin ni Allāh," ngunit dumating si `Umar sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Nagpangahas ang mga babae laban sa mga asawa nila," kaya nagpermiso siya sa pagpalo sa kanila. May pumalibot naman sa mag-anak ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maraming babaing naghihinaing ng mga asawa nila. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talaga ngang may pumalibot nga sa mag-anak ni Muḥammad na maraming babaing naghihinaing ng mga asawa nila. Ang mga iyon ay hindi pinakamabubuti ninyo."}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 2146]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpalo sa mga maybahay ngunit dumating ang Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh dito) at nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, naglakas-loob ang mga babae sa mga asawa nila at sumagwa ang mga kaasalan nila." Kaya nagpermiso siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpalo sa kanila nang isang palong hindi nakasasakit kapag umiral ang kadahilanan doon gaya ng pagpigil nila sa pagganap ng karapatan ng asawa, pagsuway sa kanya, at tulad niyon. Kaya may dumating matapos nito na mga babae sa piling ng mga maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na naghihinaing laban sa pagpalo ng mga asawa nila sa kanila nang isang palong nakasasakit. Dahil sa kasagwaan ng paggamit ng permisong ito, nagsabi tuloy ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga lalaking iyon na namamalo ng mga maybahay nila nang palong nakasasakit ay hindi ang pinakamabubuti sa inyo."