عن عبد الله بنِ عمر رضي الله عنهما أن عمرَ بْن الخطاب رضي الله عنه قال: ((يا رسول الله، أّيَرقُدُ أَحَدُنا وهو جُنُب؟ قال: نعم، إِذَا تَوَضَّأ أَحَدُكُم فَليَرقُد)).
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa-tunay na si `Umar bin Al-Khattab ay nagsabi:((O Sugo ni Allah,maaari bang matulog ang iisa sa amin kapag siya ay sa kalagayang Junub? Nagsabi siya: Oo,Kapag nakapagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo ay maaari siyang matulog))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nagtanong si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-kay Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag ang sa kanila ay naging Junub sa unang gabi,tulad nang nakipagtalik sa asawa nito,kahit na hindi ito nilabasan o di kaya ay nanaginip,Maaari ba siyang matulog habang siya ay sa kalagayang Junub? Nagpahintulot siya sa kanila nito-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,sa kondisyon na magiging magaan ang malaking Hadath na ito, sa pamamaagitan ng pagsasagawa ng Wudhu na ipinag-utos sa Islam,At sa pagkakataong ito ay ipinapahintulot ang pagtulog sa kalagayang Junub.