+ -

عن أنس رضي الله عنه : أن النبيَّ صلى الله عليه وسلم جاءَ إلى سعد بنِ عبادة رضي الله عنه فَجَاءَ بِخُبْزٍ وَزَيْتٍ، فأكلَ، ثم قال النبيُّ صلى الله عليه وسلم : «أفْطَرَ عِنْدَكُمُ الصَّائِمُونَ؛ وَأكَلَ طَعَامَكُمُ الأَبرَارُ، وَصَلَّتْ عَلَيْكُمُ المَلاَئِكَةُ».
[سنده صحيح] - [رواه أبو داود وابن ماجه وأحمد والدارمي]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumating kay Sa`d bin `Ubādah, malugod si Allāh sa kanya, at naghain ito ng tinapay at langis at kumain. Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Afṭara `indakumu ­ṣṣā'imūna wa akala ta`āmakumu -­l'abrāra wa ṣallat `alaykumu ­-lmalā'ikah. (Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno, kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti, at dumalangin para sa inyo ang mga anghel.)"
[Ang kawing ng mananaysay nito ay tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Nagsalaysay nito si Imām Ad-Dārimīy]

Ang pagpapaliwanag

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allṣh sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumating kay Sa`d bin `Ubādah, ang pinuno ng liping Khazraj. Ang sabi niyang: "at naghain ito ng tinapay at langis" ay nagsasaad ng paghahain ng anumang madali at hindi ito sumasalungat sa pagkamapagbigay. Ang "at kumain" ay nangangahulugang ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ang "Pagkatapos ay nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan" ay nangangahulugang matapos kumain. Ang sabi niyang: "Nagsagawa ng ifṭār sa piling ninyo ang mga nag-aayuno" ay nangangahulugang: Gantimpalaan nawa kayo ni Allāh ng gantimpala ng sinumang nagkaloob ng ifṭār sa isang nag-aayuno. Ang pangungusap ay may kahulugang panalangin. Ang sabi niyang: "kumain ng pagkain ninyo ang mga nagpapakabuti" ay tumutukoy sa nangingilag magkakasala. Ang sabi niyang: "at dumalangin para sa inyo ang mga anghel" ay nangangahulugang: Humingi sila ng tawad kay Allāh para sa inyo. Tingnan: Dalīl Al-Fāliḥīn, 7/75-76.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin