عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«حَقُّ الْمُسْلِمِ عَلَى الْمُسْلِمِ سِتٌّ» قِيلَ: مَا هُنَّ يَا رَسُولَ اللهِ؟، قَالَ: «إِذَا لَقِيتَهُ فَسَلِّمْ عَلَيْهِ، وَإِذَا دَعَاكَ فَأَجِبْهُ، وَإِذَا اسْتَنْصَحَكَ فَانْصَحْ لَهُ، وَإِذَا عَطَسَ فَحَمِدَ اللهَ فَسَمِّتْهُ، وَإِذَا مَرِضَ فَعُدْهُ وَإِذَا مَاتَ فَاتَّبِعْهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2162]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
{"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakitagpo ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka nagpuri siya kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng tasmīt; kapag nagkasakit siya, dumalaw ka sa kanya; at kapag namatay siya, makipaglibing ka sa kanya."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2162]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bahagi ng karapatan ng Muslim sa kapwa niyang Muslim ay anim na kakanyahan: Una. Babati siya rito kapag nakitagpo siya rito sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Assalāmu `alaykum (Ang kapayapaan ay sumainyo)" at ito naman ay tutugon ng pagbati sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Wa-`alaykumu -ssalām (At sumainyo ang kapayapaan)." Ikalawa. Ang pagtugon sa paanyaya nito kapag nag-anyaya ito sa kanya sa isang piging at iba pa roon. Ikatlo. Ang pagpapayo rito kapag humiling ito niyon at huwag mo siyang bolahin o dayain. Ikaapat. Kapag bumahin siya saka nagsabi siya ng: "Alḥamdu lillāh (Kaawaan ka ni Allāh)" magsabi ka sa kanya ng tashmīt sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Yarḥamuka -llāh (Kaawaan ka ni Allāh)" at siya naman ay tutugon, na nagsasabi: "Yahdīkum -llāhu wa-yuṣliḥu bālakum (Patnubayan kayo ni Allāh at isaayos Niya ang lagay ninyo)." Ikalima. Dadalawin niya ito at bibisitahin kapag nagkasakit ito. Ikaanim. Dadasalin niya ito kapag namatay ito at dadaluhan niya ang libing nito hanggang sa mailibing ito.