عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«انْظُرُوا إِلَى مَنْ أَسْفَلَ مِنْكُمْ، وَلَا تَنْظُرُوا إِلَى مَنْ هُوَ فَوْقَكُمْ، فَهُوَ أَجْدَرُ أَلَّا تَزْدَرُوا نِعْمَةَ اللهِ عَلَيْكُمْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2963]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tumingin kayo sa sinumang nasa ibaba mula sa inyo at huwag kayong tumingin sa sinumang siya ay nasa itaas ninyo sapagkat iyon ay higit marapat na hindi kayo manlait sa biyaya ni Allāh sa inyo."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2963]
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na tumingin siya hinggil sa mga bagay-bagay sa Mundo kaugnay sa tahanan, yaman, reputasyon, at iba pa sa mga ito sa sinumang ang kalagayan niyon ay nasa ibaba mula sa kanya at huwag siyang tumingin hinggil sa mga bagay-bagay sa Mundo niya sa sinumang iyon ay nasa itaas niya at higit na mainam kaysa sa kanya sapagkat tunay na ang pagtinging iyon sa sinumang iyon ay nasa ibaba ay higit na karapat-dapat at higit na marapat na hindi ka manghamak at mangmata sa biyaya ni Allāh sa iyo.