Talaan ng mga ḥadīth

Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ipinahihintulot sa isang tao na umiwas sa kapatid niya nang mahigit sa tatlong gabi. Nagsasalubong silang dalawa saka tatalikod ito at tatalikod iyan. Ang pinakamabuti sa kanilang dalawa ay ang nagpapasimula ng pagbati."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang sinumang nakipagpinsalaan, makikipagpinsalaan si Allāh sa kanya; at ang sinumang nakipagpahirapan, magpapahirap si Allāh sa kanya."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang tao ay natatangay ng relihiyon ng matalik na kaibigan niya kaya tumingin ang isa sa inyo sa kung kanino siya matalik na nakikipagkaibigan."}
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tiyak na susundin niyo ang mga gawain ng mga nauna sa inyo, kapareho ng balahibo ng pana sa isang balahibo, hanggang sa kahit na sila ay papasok sa lungga ng bayawak tanto papasok din kayo sa kanya. Sabi nila: Oh Sugo ni Allah, Sila bang Hudyo at mga Kristiyano? Sabi niya: Sino pa ba?
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang karapatan ng muslim sa kapatid niyang muslim ay anim:Kapag nasalubong mo siya,batiin mo,at kapag inimbitahan ka niya,ay paunlakan mo,at humingi siya ng payo ay payuan mo,at kapag siya`y bumahing at kanyang sinabi "Al hamdulillah",sabihin mong" Yarhamukallah",at kapag siya ay nagkasakit,bisitahin mo,at kapag siya ay namatay,makipaglibing ka sa kanya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Isinumpa ng Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Tunay na ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay hindi nagtitina [ng buhok] kaya sumalungat kayo sa kanila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Hindi ko napag-utusan sa pagpapataas ng mga Masjid
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ipinagbabawal ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang Tirador,At nagsabi siya na ito ay hindi nakakapatay ng hayop,at hindi nakakapagtanggol [laban]sa kalaban,at ito ay nakakapagtanggal ng mata,at nakakaputol ng ngipin.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu