+ -

عن ابنِ عُمَرَ رضي الله عنهما قال: قال رسولُ الله صلَّى الله عليه وسلم:
«مَن تَشَبَّهَ بِقَوْمٍ فَهُوَ مِنْهُمْ».

[حسن] - [رواه أبو داود وأحمد] - [سنن أبي داود: 4031]
المزيــد ...

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagpakawangis sa mga [ibang] tao, siya ay kabilang sa kanila."}

[Maganda] - - [سنن أبي داود - 4031]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpakawangis sa mga taong kabilang sa mga tagatangging sumampalataya o mga suwail o mga maayos – at iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng anuman kabilang sa mga kakanyahan nila gaya ng mga pinaniniwalaan o mga pagsamba o mga kaugalian – siya ay kabilang sa kanila dahil ang pagpapakawangis sa kanila sa panlabas ay nauuwi sa pagpapakawangis sa kanila sa panloob. Walang duda na ang pagpapakawangis sa mga ibang tao ay isang resulta ng paghanga. Maaaring mauwi ito sa pag-ibig sa kanila, pagdakila sa kanila, at pagsalig sa kanila. Ito ay maaaring humila sa tao sa pagpapakawangis sa kanila hanggang sa panloob at pagsamba. Ang pagpapakupkop ay kay Allāh!

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Hapon Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagbibigay-babala laban sa pagpapakawangis sa mga tagatangging sumampalataya at mga suwail.
  2. Ang paghimok sa pagpapakawangis sa mga maayos at pagtulad sa kanila.
  3. Ang pagpapakawangis nang lantaran ay nagsasanhi ng pag-ibig nang pakubli.
  4. Nagkakamit ang tao mula sa banta at kasalanan alinsunod sa pagpapakawangis at uri nito.
  5. Ang pagsaway laban sa pagpapakawangis sa mga tagatangging sumampalataya sa relihiyon nila at mga kaugalian nilang natatangi sa kanila. Hinggil naman sa anumang hindi gayon gaya ng pagkatuto ng mga industriya at tulad ng mga ito, hindi ito napaloloob sa pagsaway.