عن أبي هريرة رضي الله عنه قال:
لعن رسول الله صلى الله عليه وسلم الرجل يلبس لِبْسَةَ المرأة، والمرأة تلبس لِبْسَةَ الرجل.
[صحيح] - [رواه النسائي في الكبرى وابن ماجه بمعناه وأحمد] - [السنن الكبرى للنسائي: 9209]
المزيــد ...
ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Isinumpa ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang lalaking nagsusuot ng kasuutan ng babae at ang babaing nagsusuot ng kasuutan ng lalaki.}
[Tumpak] - - [السنن الكبرى للنسائي - 9209]
{Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtaboy at pagpapalayo mula sa awa ni Allāh para sa bawat lalaking nagpapakawangis sa babae sa mga kasuutang natatangi sa mga babae, maging sa anyo o kulay o moda o pamamaraan ng pagsuot o gayak o iba pa roon; o na magpakawangis ang babae sa kasuutang natatangi sa mga lalaki gayundin. Ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.