عن ابن عمر رضي الله عنهما قال: رأى رسول الله صلى الله عليه وسلم صبيًّا قد حُلِق بعض شعر رأسه وترك بعضه، فنهاهم عن ذلك، وقال: «احلقوه كله، أو اتركوه كله».
[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي في الكبرى]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Nakakita ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang batang lalaki na inahit ang bahagi ng ulo nito at hinayaan ang iba rito. Ipinagbawal niya sa kanila iyon at sinabi: Ahitin ninyo ito: ang lahat nito, o hayaan ninyo ito: ang lahat nito."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Nakakita ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng isang batang lalaki na inahit ang bahagi ng ulo nito at hinayaan ang iba rito. Ipinagbawal niya sa kanila na gawin muli iyon sa bata. Sinabi niya sa kanila na huwag ahitin ang isang bahagi ng buhok samantalang hahayaan ang iba.