عَن عَلِيٍّ بْنِ أَبِي طَالِبٍ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ:
أَخَذَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ حَرِيرًا بِشِمَالِهِ، وَذَهَبًا بِيَمِينِهِ، ثُمَّ رَفَعَ بِهِمَا يَدَيْهِ، فَقَالَ: «إِنَّ هَذَيْنِ حَرَامٌ عَلَى ذُكُورِ أُمَّتِي، حِلٌّ لِإِنَاثِهِمْ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والنسائي وابن ماجه] - [سنن ابن ماجه: 3595]
المزيــد ...
Ayon kay `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kumuha ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang sutla sa kaliwang kamay niya at ng isang ginto sa kanang kamay niya, pagkatapos nag-angat siya kalakip ng dalawang ito ng mga kamay niya saka nagsabi siya: "Tunay na ang dalawang ito ay bawal sa mga lalaki ng Kalipunan ko, pinahihintulutan sa mga babae nila."}
[Tumpak] - - [سنن ابن ماجه - 3595]
Kumuha ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang damit na yari sa sutla o isang piraso mula rito sa kaliwang kamay niya at kumuha siya ng isang ginto mula sa isang alahas o nakawangis nito sa kanang kamay niya, pagkatapos nagsabi siya: "Tunay na ang sutla at ang ginto ay bawal ang pagsusuot ng dalawang ito sa mga lalaki. Hinggil naman sa mga babae, ang dalawang ito ay pinahihintulutan sa kanila."