عَن أَبِي سَعِيدٍ الْخُدْرِيِّ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا يَنْظُرُ الرَّجُلُ إِلَى عَوْرَةِ الرَّجُلِ، وَلَا الْمَرْأَةُ إِلَى عَوْرَةِ الْمَرْأَةِ، وَلَا يُفْضِي الرَّجُلُ إِلَى الرَّجُلِ فِي ثَوْبٍ وَاحِدٍ، وَلَا تُفْضِي الْمَرْأَةُ إِلَى الْمَرْأَةِ فِي الثَّوْبِ الْوَاحِدِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 338]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 338]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tumingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki o tumingin ang babae sa kahubaran ng babae.
Ang kahubaran (`awrah) ay ang bawat ikahihiya kapag nalantad. Ang kahubaran ng lalaki ay ang nasa pagitan ng pusod niya at tuhod niya. Ang babae sa kabuuan niya ay kahubaran kaugnay sa mga lalaking estranghero. Kaugnay sa mga babae at mga maḥram niya, tunay na siya ay makapaglalantad ng nalalantad sa karaniwan sa sandali ng trabaho niya sa bahay.
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na makisukob ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad o makisukob ang babae sa babae sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad dahil iyon ay maaaring mauwi sa pagkasaling ng bawat isa sa kanilang dalawa sa kahubaran ng kasamahan niya. Ang pagsaling ng `awrah ay sinasaway gaya ng pagtingin dito, bagkus ito ay higit na matindi sa pagkasaway dahil nauuwi iyon sa mga katiwaliang higit na malaki.