+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «إن اليهود والنصارى لا يصبغون، فخالفوهم».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay hindi nagtitina kaya sumalungat kayo sa kanila."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid ni Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagpabatid sa kanila na ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano ay hindi nagtitina ng buhok ng mga ulo nila at mga balbas nila, bagkus hinahayaan nila ang uban doon sa kalagayan nito. Kaya nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na salungatin sila sa pamamagitan pagtitina ng buhok at pagkukulay ng balbas at buhok sa ulo.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin