عن أبي هريرة رضي الله عنه أَن النبيَّ صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم قَالَ:
«الرَّجُلُ عَلَى دِينِ خَلِيلِهِ، فَلْيَنْظُر أَحَدُكُم مَنْ يُخَالِل».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد] - [سنن أبي داود: 4833]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang tao ay natatangay ng relihiyon ng matalik na kaibigan niya kaya tumingin ang isa sa inyo sa kung kanino siya matalik na nakikipagkaibigan."}
[Maganda] - - [سنن أبي داود - 4833]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao ay nakikiwangis sa kaibigan niya at kasamahan niyang dalisay sa pamumuhay nito at gawi nito. Nakaaapekto ang pagkakaibigan sa mga kaasalan, pag-uugali, at mga pag-asta. Dahil dito, gumabay siya tungo sa pagpili ng kaibigan dahil ang tao ay naggagabay sa kaibigan nito sa pananampalataya, patnubay, at kabutihan at ito ay nagiging isang tulong sa kaibigan nito.