عن أنس بن مالك رضي الله عنه أَنَّ النَبيَّ -صلَّى الله عليه وسلَّم- كَان إِذَا تَكَلَّمَ بِكَلِمَةٍ أَعَادَهَا ثَلاَثًا حَتَّى تُفْهَمَ عَنْهُ، وَإِذَا أَتَى عَلَى قَوْمٍ فَسَلَّمَ عَلَيهِم سَلَّمَ عَلَيهِم ثَلاَثًا.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ay maunwaan ito,At kapag dumating siya sa mga tao at bumati siya ,Bumabati siya sa kanila ng tatlong beses.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Sa Hadith ni Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay nagsalita,inuulit niya ito sa tatlong beses nang sa ganoon ito ay lubos na maunawaan.Sa sinabi niyang: "Nang sa ganoon ay maunawaan ito" Nagpapahiwatig na kapag ito ay naunawaan nang walang pag-uulit,hindi na niya ito inuulit pa,Subalit kapag hindi ito naintindihan ng tao;tulad nang hindi niya nalalaman ang tunay nitong kahulugan,inuulit niya ito hanggang sa maunawaan,o di kaya`y kapag ang pandinig niya ay malabo at hindi nakakarinig,o mayroong mga ingay,Dito ay kinakailangang ulitin ito sa kanya,nang sa ganoon ay maunawaan niya.At Siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kapag siya ay bumabati sa mga tao" Bumabati siya nang tatlong beses"Ibig sabihin: Hindi niya ito inuulit ng higit pa sa tatlong beses;Babati siya sa unang beses,at kapag hindi siya sinagot [uulitin niya ito] at babati siya sa ikalawang beses,at kapag hindi pa siya sinagot,[uulitin niya ito] at babati siya sa ikatlong beses,at kapag hindi pa siya sinagot,iiwanan niya ito.At gayundin sa pagpapaalam,Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpapaalam ng tatlong beses,Ibig sabihin; Kapag dumating siya sa tao,nagpapaalam siya na pumasok sa bahay niya,kakatok siya sa kanya sa pintuan ng tatlong beses,at kapag hindi siya sinagot,aalis siya,Ito ay Sunnah niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ulitin ang mga bagay hanggang sa tatlong beses pagkatapos ay hindi na niya uulitin pa.