+ -

عن عائشة رضي الله عنها أَنَّها سَأَلَت رسول الله صلى الله عليه وسلم عن الطَّاعُون، فَأَخبَرَها أَنَّه كَان عَذَابًا يَبعَثُه الله تعالى على من يشاء، فَجَعَلَه الله تعالى رحمَة للمؤمنين، فليس من عبدٍ يقع في الطَّاعُون فَيَمكُث فِي بَلَدِه صَابِرًا مُحتَسِبًا يعلَم أَنَّه لايُصِيبُه إِلاَّ مَا كتَب الله له إلا كان له مِثلُ أجرِ الشَّهيدِ.
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-Tinanong niya ang Sugo ni Allah-pagpalaain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa epidemya,Sinabi niya sa kanya na ito ay parusang ipinadala ni Allah-Pagkataas-taas Niya-sa sinumang kanyang naisin,Ginawa ni Allah-Pagkataas-taas Niya-na ito ay Habag para sa mga mananampalataya,walang isang alipin na malalagay [sa isang lugar na] may epidemya,at mananatili siya sa lugar niya na may pagtitimpi at paghahangad sa gantimpala [ni Allah],nalalaman niya na walang tumatama sa kanya maliban sa ito ay nakatadhana ni Allah sa kanya,maliban sa mapapasakanya ang tulad ng gantimpala ng isang martir.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Sa Hadith ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya-Katotohanang tinanong niya ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa epidemya,Ipinaalam niya na ang epidemya ay isang parusang ipinapadala ni Allah-Napakamaluwalhati Niya at Pagkataas-taas-sa sinumang ninanais niya sa kanyang mga alipin.Maging ito man ay epidemya na tumatama sa iilang tao lamang o epidemya na tumatama sa pangkalahatan tulad ng kolera at iba pa.Sapagkat ang epidemyang ito ay isang parusang ipinadala ni Allah kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan-,subalit ito ay isang habag para sa mananampalataya,kapag ito ay bumaba sa lugar niya,at nanatili siya rito na nagtitimpi ,na may paghahangad ng gantimpala ni Allah,nalalaman niya na walang dumarating sa kanya maliban sa anumang nakasulat ni Allah para sa kanya,Katotohanang si Allah-pagkataas taas Niya,ay isusulat sa kanya ang tulad ng gantimpala ng martir.kaya`t dumating sa Hadith na tumpak mula kay `Abdurrahman bin `Awf-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-"Kapag narinig ninyo ito sa isang lugar,huwag kayong pumunta rito,at kapag bumaba ito sa isang lugar na kayo ay napapaloob rito,huwag kayong lumabas na tumatakas mula rito" Kapag tumama ang epidemya sa isang lugar,tunay na hindi tayo nararapat na pumunta rito,dahil ang pagpunta rito ay itinuturing na pagtapon sa sarili sa kapahamakan,Subalit kapag ito ay tumama sa isang lugar ,tunay na hindi tayo dapat lumabas mula rito upang makatakas.Sapagkat kahit na tumakas ka sa itinakda ni Allah,kapag ito ay bumaba sa isang lugar,ang pagtakas na ito ay hindi makakatulong sa iyo sa anumang bagay mula sa [itinakda ni Allah];Dahil walang matatakasan mula sa itinadhana ni Allah maliban sa Allah.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin