+ -

عَنْ ‌عَائِشَةَ رضي الله عنها:
أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ كَانَ إِذَا أَوَى إِلَى فِرَاشِهِ كُلَّ لَيْلَةٍ جَمَعَ كَفَّيْهِ، ثُمَّ نَفَثَ فِيهِمَا فَقَرَأَ فِيهِمَا: {قُلْ هُوَ اللهُ أَحَدٌ}، وَ{قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ الْفَلَقِ}، وَ{قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ النَّاسِ}، ثُمَّ يَمْسَحُ بِهِمَا مَا اسْتَطَاعَ مِنْ جَسَدِهِ، يَبْدَأُ بِهِمَا عَلَى رَأْسِهِ وَوَجْهِهِ وَمَا أَقْبَلَ مِنْ جَسَدِهِ، يَفْعَلُ ذَلِكَ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ.

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 5017]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya bawat gabi, ay nagbubuklod ng mga kamay niya. Pagkatapos bumubuga siya sa mga ito saka bumibigkas sa mga ito ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata [ng Qur'ān]. Pagkatapos nagpapahid siya ng mga ito sa nakakaya niya mula sa katawan niya. Nagsisimula siya sa pamamagitan ng mga ito sa ulo niya, mukha niya, at nakaharap mula sa katawan niya. Ginagawa niya iyon nang tatlong ulit.}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 5017]

Ang pagpapaliwanag

Bahagi ng patnubay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumunta siya sa higaan niya upang matulog, ang pagbuklod niya ng mga palad niya, ang pag-aangat ng mga ito gaya ng ginagawa ng tagapanalangin, at ang pagbuga sa mga ito mula sa bibig niya sa isang malumanay na pagbuga kasama ng kakaunting laway. Binibigkas niya ang tatlong kabanata ng Qur'ān: ang ika-112 kabanata, ang ika-113 kabanata, at ang ika-114 kabanata. Pagkatapos nagpapahid siya ng mga palad niya sa nakakaya niya mula sa katawan niya, na nagsisimula sa ulo niya, mukha niya, at bahaging nakaharap mula sa katawan niya. Nag-uulit-ulit siya ng gawaing ito nang tatlong ulit.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbigkas ng ika-112 kabanata, ika-113 kabanata, at ika-114 kabanata ng Qur'ān bago matulog, ang pagbuga sa pamamagitan ng mga ito, at ang pagpahid sa nakakaya mula sa katawan.