عن جابر رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم : أنه أراد أن يغزو، فقال: «يا معشر المهاجرين والأنصار، إن من إخوانكم قومًا ليس لهم مال، ولا عشيرة، فلْيَضُمَّ أحدكم إليه الرَّجُلَيْنِ أو الثلاثة، فما لأحدنا مِن ظَهْر يَحْمِلُه إلا عُقْبَة كعُقْبَة». يعني: أحدهم، قال: فضَمَمْتُ إليَّ اثنين أو ثلاثة ما لي إلا عُقْبَة كعُقْبَة أحدهم من جَمَلي.
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin`Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Siya ay nagnais na sumalakay kaya nagsabi siya: "O pangkat ng mga lumikas at mga dumamay, tunay na kabilang sa mga kapatid ninyo ay mga taong walang ari-arian at walang lipi kaya magsama ang isa sa inyo sa kanya ng dalawang lalaki o tatlo sapagkat hindi nagtataglay ang [bawat] isa sa atin ng sasakyang magdadala sa kanya malibang salitan gaya ng salitan." Tinutukoy niya ang [salitan ng bawat] isa sa kanila. Nagsabi ako: "Kaya nagsama ako sa akin ng dalawa o tatlo; wala akong [magagawa] malibang salitang gaya ng salitan ng [bawat] isa sa kanila sa kamelyo ko."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Ang kahulugan ay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nag-utos sa mga Kasamahan niya, malugod si Allāh sa kanila, na maghalilihan ang dalawang lalaki o ang tatlo sa pagsakay sa isang kamelyo nang sa gayon ang mga tao ay maging pantay lahat.