+ -

عَن أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«يُسَلِّمُ الرَّاكِبُ عَلَى المَاشِي، وَالمَاشِي عَلَى القَاعِدِ، وَالقَلِيلُ عَلَى الكَثِيرِ». وَلِلبُخَارِي: «يُسَلِّمُ الصَّغِيرُ عَلَى الكَبِيرِ، وَالمَارُّ عَلَى القَاعِدِ، وَالقَلِيلُ عَلَى الكَثِيرِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6232]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Babati ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunti sa marami."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6232]

Ang pagpapaliwanag

Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa etiketa ng pagbibigay ng pagbati ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu –llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa ni Allāh, at ang mga pagpapala Niya.)" Kaya babati ang nakababata sa nakatatanda, ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunting bilang sa marami.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagbati ayon sa inihatid ng ḥadīth. Kapag bumati ang naglalakad sa nakasakay at iba pa kabilang sa binanggit, pinapayagan ito subalit ito ay salungat sa higit na marapat at higit na mainam.
  2. Ang pagpapalaganap ng pagbati ng kapayapaan ayon sa pamamaraang nasaad sa ḥadīth ay kabilang sa mga kadahilanan ng pag-ibig at pagkakapalagayang-loob.
  3. Kapag sila ay magkatumbasan at magkapantayan, ang pinakamabuti sa kanila ay ang nagpapasimula ng pagbati.
  4. Ang kalubusan ng Batas na ito sa paglilinaw sa lahat ng kinakailangan ng mga tao.
  5. Ang pagtuturo ng mga etiketa ng pagbati at pagbibigay sa bawat may karapatan ng karapatan niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin