+ -

عَنْ صَفْوَانَ بْنِ مُحْرِزٍ قَالَ: قَالَ رَجُلٌ لِابْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما كَيْفَ سَمِعْتَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، يَقُولُ: فِي النَّجْوَى؟ قَالَ: سَمِعْتُهُ يَقُولُ:
«يُدْنَى الْمُؤْمِنُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ مِنْ رَبِّهِ عَزَّ وَجَلَّ، حَتَّى يَضَعَ عَلَيْهِ كَنَفَهُ، فَيُقَرِّرُهُ بِذُنُوبِهِ، فَيَقُولُ: هَلْ تَعْرِفُ؟ فَيَقُولُ: أَيْ رَبِّ أَعْرِفُ، قَالَ: فَإِنِّي قَدْ سَتَرْتُهَا عَلَيْكَ فِي الدُّنْيَا، وَإِنِّي أَغْفِرُهَا لَكَ الْيَوْمَ، فَيُعْطَى صَحِيفَةَ حَسَنَاتِهِ، وَأَمَّا الْكُفَّارُ وَالْمُنَافِقُونَ، فَيُنَادَى بِهِمْ عَلَى رؤُوسِ الْخَلَائِقِ هَؤُلَاءِ الَّذِينَ كَذَبُوا عَلَى اللهِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2768]
المزيــد ...

Ayon kay Ṣafwān bin Muḥriz na nagsabi: {May nagsabing isang lalaki sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Papaano kang nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi sa pagniniig?" Nagsabi ito: "Nakarinig ako sa kanya na nagsasabi:
'Ilalapit ang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon nito (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) hanggang sa maglagay Siya rito ng saklob Niya saka magpapaamin Siya rito ng mga pagkakasala nito saka magsasabi Siya: Nakaaalam ka kaya?' Kaya magsasabi ito: 'Oo, Panginoon ko, nakaaalam ako.' Magsasabi Siya: 'Sapagkat tunay na Ako ay nagtakip niyon sa iyo sa Mundo at tunay na Ako ay magpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito.' Kaya ibibigay rito ang talaan ng mga magandang gawa nito. Hinggil naman sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, mananawagan sa kanila sa mga harap ng mga nilikha: Ang mga ito ang mga nagsinungaling laban kay Allāh."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2768]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pakikipagniigan ni Allāh sa lingkod Niyang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sapagkat nagsabi siya:
Ilalapit ang mananampalataya sa Araw ng Pagbangon sa Panginoon nito para maglagay Siya rito ng pagtatakip Niya buhat sa mga tao sa Tayuan nang sa gayon hindi makabatid sa lihim niya ang iba sa kanya saka magsasabi Siya rito:
"Nakaaalam ka ba ng pagkakasalang ganito at gayon?" ... Magpapaamin Siya rito ng mga pagkakasala na sa pagitan ng tao at Panginoon nito.
Kaya magsasabi siya: "Oo, O Panginoon."
Hanggang sa kapag nangilabot ang mananampalataya at nangamba, magsasabi Siya (kaluwalhatian sa Kanya) dito: "Tunay na Ako ay nagtakip niyon sa iyo sa Mundo at Ako ay magpapatawad niyon sa iyo sa araw na ito." Kaya ibibigay rito ang talaan ng mga magandang gawa nito.
Hinggil naman sa tagatangging sumampalataya at mapagpaimbabaw, mananawagan sa mga harap ng mga saksi: Ang mga ito ang mga nagsinungaling laban sa Panginoon nila; pansinin, ang sumpa ni Allāh ay sa mga tagalabag sa katarungan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda yuruuba
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang kabutihang-loob ni Allāh at ang awa Niya sa mga mananampalataya ay dahil sa pagtatakip niya sa kanila sa Mundo at Kabilang-buhay.
  2. Ang paghimok sa pagtatakip sa mananampalataya hanggat naisaposible.
  3. Ang mga gawain ng mga tao sa kabuuan ng mga ito ay iisa-isahin ng Panginoon ng mga tao. Kaya ang sinumang nakatatagpo ng isang mabuti, magpuri siya kay Allāh; at ang sinumang nakatatagpo ng iba pa roon, huwag nga siyang maninisi kundi sa sarili niya at siya ay nasa ilalim ng kalooban ni Allāh.
  4. Nagsabi si Ḥajar: Nagpatunay ang kabuuan ng mga ḥadīth na ang mga tagasuway kabilang sa mga mananampalataya kaugnay sa Pagkabuhay ay nasa dalawang uri. Ang isa sa dalawa ay ang sinumang ang pagsuway niya ay sa pagitan niya at ng Panginoon niya, saka nagpahiwatig ang ḥadīth ng Anak ni `Umar na ang uring ito ay nasa dalawang uri: 1. Isang uri na ang pagsuway nito ay tinakpan sa Mundo kaya ito ang pagtatakpan ni Allāh sa Araw ng Pagbangon at siya ang tinukoy; 2. Isang uri na ang pagsuway niya ay inilalantad, saka nagpahiwatig ang pagkaintindi rito na ito ay salungat doon. Ang ikalawang uri ay ang sinumang ang pagsuway niya ay sa pagitan niya at ng mga tao saka sila ay nasa dalawang uri rin: 1. Isang uri na magmamatimbang ang mga masagwang gawa nila higit sa mga magandang gawa nila kaya ang mga ito ay masasadlak sa Impiyerno, pagkatapos makalalabas sila dahil sa Pamamagitan; 2. Isang uri na magkakapantayan ang masagwang gawa nila at ang mabuting gawa nila, kaya ang mga ito ay hindi papasok sa Paraiso hanggang sa maganap sa pagitan nila ang paggagantihang-pinsala.
Ang karagdagan