عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«إِنَّ اللهَ لَيَرْضَى عَنِ الْعَبْدِ أَنْ يَأْكُلَ الْأَكْلَةَ فَيَحْمَدَهُ عَلَيْهَا، أَوْ يَشْرَبَ الشَّرْبَةَ فَيَحْمَدَهُ عَلَيْهَا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2734]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na si Allāh ay talagang nalulugod sa tao na kumain ito ng pagkain para magpuri sa Kanya dahil doon o uminom ito ng inumin para magpuri sa Kanya dahil doon."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2734]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpuri ng tao sa Panginoon nito dahil sa kabutihang-loob Niya at mga biyaya Niya ay kabilang sa bagay-bagay na nagtatamo ito sa pamamagitan ng mga iyon ng kaluguran ni Allāh, kaya naman kumakain ito ng pagkain, nagsasabi ito ng Alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), umiinom ito ng inumin, at nagsasabi ito ng Alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh).