عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤْمِنين رضي الله عنها زَوْجِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«يَا عَائِشَةُ إِنَّ اللهَ رَفِيقٌ يُحِبُّ الرِّفْقَ، وَيُعْطِي عَلَى الرِّفْقِ مَا لَا يُعْطِي عَلَى الْعُنْفِ، وَمَا لَا يُعْطِي عَلَى مَا سِوَاهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2593]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"O `Ā’ishah, tunay na si Allāh ay Malumay na umiibig sa kalumayan at nagbibigay Siya dahil sa kalumayan ng hindi Niya ibinibigay dahil sa karahasan at ng hindi Niya ibinibigay dahil sa iba rito."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2593]
Hinimok ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ang pagkamalumay yayamang si Allāh ay Malumay na Mabait sa mga lingkod Niya, na nagnanais sa kanila ng ginhawa at hindi nagnanais sa kanila ng hirap. Kaya naman hindi Siya nag-aatang sa kanila ng higit sa kakayahan nila. Nakaiibig Siya na magtaglay ang lingkod Niya ng katangian ng kabanayaran ng sarili at paggamit ng kadalian kaya ito ay hindi magiging isang mabagsik na magaspang. Si Allāh (napakataas Siya) ay nagbibigay dahil sa kalumayan at kabanayaran sa Mundo ng marikit na pagbubunyi, pagkatamo ng mga hinihiling, at pagpapadali ng mga pinapakay; at sa Kabilang-buhay ng masaganang gantimpala, higit kaysa ibinibigay Niya resulta ng karahasan, katindihan, at kagaspangan sapagkat ang kalumayan ay dumarating kasama nito sa hindi dumarating kasama ng iba pa rito.