عن عائشة رضي الله عنها زوج النبي صلى الله عليه وسلم عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«إِنَّ الرِّفْقَ لَا يَكُونُ فِي شَيْءٍ إِلَّا زَانَهُ، وَلَا يُنْزَعُ مِنْ شَيْءٍ إِلَّا شَانَهُ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 2594]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), na maybahay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Tunay na ang kabanayaran ay hindi nagiging nasa isang bagay malibang gumagayak ito roon at hindi naaalis ito mula sa isang bagay malibang nagpapapangit ito roon."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 2594]
Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kabanayaran, ang kalumanayan, at ang pagpapakahinay-hinay sa pagsasabi at paggawa ay nakadaragdag sa mga bagay-bagay ng karikitan, kalubusan, at kagandahan; at higit na marapat na makaabot ang tagapagtaglay ng mga ito sa pangangailangan niya.
Ang kawalan ng kabanayaran ay pumipintas sa mga bagay-bagay, nagpapapangit sa mga ito, at pumipigil sa tagapagtaglay ng mga ito sa pag-abot sa pangangailangan niya. Kung nakaabot man siya nito, kalakip naman ng hirap.