عن أبي طلحة زيد بن سهل رضي الله عنه قال: كُنَّا قعودا بالأفْنِيَةِ نتحدَّث فيها فجاء رسول الله صلى الله عليه وسلم فقام علينا، فقال: «ما لكم ولمجالس الصُّعُدَاتِ؟ اجتنبوا مجالس الصُّعُدَاتِ». فقُلنا: إنما قَعَدْنَا لغير ما بأس، قَعَدْنَا نتذَاكَر، ونتحدث. قال: «إما لا فأدُّوا حقَها: غَضُّ البَصَر، وردُّ السلام، وحُسْن الكلام».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Ṭalḥah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Kami noon ay nakaupo sa harapan ng bahay, na nag-uusap doon at dumating ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Tumindig siya sa tabi namin at nagsabi: 'Ano ang mayroon kayo at mayroon ang mga pagtitipon sa mga daan? Iwasan ninyo ang mga pagtitipon sa mga daan.' Kaya nagsabi kami: 'Umupo lamang kami nang walang masamang layon. Umupo kami upang magtalakayan at mag-usap.'Nagsabi siya: Kung hindi [maiiwasan], gampanan ninyo ang karapatan ng mga ito: ang pagpapababa ng tingin, ang pagtugon sa pagbati, at ang kagandahan ng pananalita.'"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ipinababatid ni Abū Ṭalḥah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya, na sila noon ay nakaupo sa harapan ng bahay: ang lugar na maluwang sa tabi ng bahay. Nag-uusap sila tungkol sa mga kapakanan nila. Dumating ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at tumindig sa tabi nila. Nangangahulugan ito na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay lumapit sa kanila, tumindig sa kanila, at nagbawal sa kanila sa pag-upo sa mga daan. Nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, umupo lamang kami hindi dahil sa isang bagay na may masama ayon sa Batas ng Islam, bagkus ang pag-upo namin dito ay ayon sa isang bagay na ipinahihintulot: kami ay nagtalakayan at nag-uusap hinggil sa mga natatanging usapin namin. Nagsabi siya: "Kung hindi [maiiwasan], gampanan ninyo ang karapatan ng mga ito:" Nangangahulugan ito na kung tatanggi kayong iwan ang mga pagtitipong ito, gampanan ninyo ang karapatan ng mga ito. Sa ibang sanaysay: "Tinanong nila siya kung ano ang karapatan ng daan" at nagsabi siya: "Ang pagpapababa ng tingin, ang pagtugon sa pagbati, at ang kagandahan ng pananalita." Sa isa pang sanaysay: "Ang pagpapababa ng tingin, ang pagpigil sa pamiminsala, ang pagtugon sa pagbati, ang pag-uutos sa nakabubuti, at ang pagsaway sa nakasasama." Ang kahulugan: Kung tatanggi kayo upang magpatuloy sa pag-upo sa mga daanan, tunay na ang isinasatungkulin sa inyo ay gampanan ninyo ang anumang isinatungkulin sa inyo:. Nilinaw niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa kanila ang dahilan ng pagsaway sa pag-upo sa mga daanan. Iyon ay dahil sa ang tao ay maaaring maharap sa mga tukso sa harap ng mga dalaga at sa pangamba sa anumang nauugnay roon na pagtingin sa kanila at tukso dahil sa kanila. Bahagi ng pagharap sa mga karapatan ni Allah at ng mga Muslim sa anumang hindi nag-oobliga sa tao ay kapag siya ay nasa bahay niya kung nag-iisa siya o nagpapakaabala sa anumang nag-oobliga sa kanya. Sa pagkakita ng nakasasama, kinakailangan sa kanya sa kalagayang ito na ipag-utos ang nakabubuti at sawayin ang nakasasama. Kapag hinayaan niya iyon, naharap nga siya pagsuway kay Allah. Gayon din, siya ay nahaharap sa sinumang napararaan sa kanya at bumabati. Marahil darami iyon sa kanya at hindi niya kakayaning tumugon ng pagbati para sa sinumang naroon at ang pagtugon ay isang tungkulin, kaya naman magkakasala siya. Ang tao ay naaatasang huwag humarap sa mga tukso at huwag obligahin ang sarili niya sa maaaring hindi niya magampanan ang tungkulin niya roon.