عن أبي هريرة رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «كُتب على ابن آدم نَصِيبُه من الزِنا مُدْرِكُ ذلك لا مَحَالة: العينان زِناهما النَظر، والأُذنان زِناهما الاستماع، واللسان زِناه الكلام، واليَدُ زِناها البَطْش، والرِّجل زِناها الخُطَا، والقلب يَهْوَى ويتمنى، ويُصَدِّق ذلك الفَرْج أو يُكذِّبُه».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Itinakda sa anak ni Adan ang bahagi niya sa pangangalunya; matatamo iyon, hindi maiiwasan: Ang mga mata, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pagtingin. Ang mga tainga, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pakikinig. Ang dila, ang pangangalunya nito ay ang bawal na pagsasalita. Ang kamay, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghawak. Ang paa, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghakbang. Ang puso ay nagpipithaya, nagmimithi, at paniniwalaan iyon ng ari ng tao o pasisinungalingan iyon."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang tao ay hahantong sa pangangalunya, hindi maiiwasan, maliban sa sinumang pinangalagaan ni Allah. Pagkatapos ay binanggit ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang mga halimbawa niyon. "Ang mata, ang pangangalunya nito ay ang bawal na pagtingin." Nangangahulugan ito na ang lalaki, kapag tumingin sa isang babae kahit pa walang pagnanasa at iyon ay hindi kabilang sa mga maḥram niya, ito ay isang uri ng pangangalunya. Ito ang pangangalunya ng mata. "Ang mga tainga, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pakikinig." Nangangahulugan ito na nakikinig ang tao sa pananalita ng babae at nagpapasarap siya sa pakikinig sa tinig niyon. Ito ang pangangalunya ng tainga. Gayon din "ang kamay, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghawak." Tinutukoy nito ang gawain ng kamay gaya ng paghipo at anumang nakawangis nito. "Ang paa, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghakbang." Tinutukoy nito na ang tao ay naglalakad sa lugar ng mga kahalayan, halimbawa, o nakaririnig sa tinig ng isang babae at naglalakad siya papunta roon o nakakikita siya ng isang babae at susundan niya iyon. Ito ay isang uri ng pangangalunya. "Ang puso ay nagpipithaya, nagmimithi" Nangangahulugan ito na nahihilig siya sa bagay na ito: ang pagkakahumaling sa mga babae. Ito ay pangangalunya ng puso. "at paniniwalaan iyon ng ari ng tao o pasisinungalingan iyon." Nangangahulugan ito na kapag nangalunya siya sa pamamagitan ng maselang bahagi niya- magpakupkop kay Allah - nagkatotoo nga ang pangangalunya ng maselang bahaging ito. Kung hindi naman siya nangalunya sa pamamagitan ng maselang bahagi niya, bagkus nailigtas niya at napangalagaan niya ang sarili niya, tunay na ito ay isang pagpapasinungaling ng maselang bahaging ito. Pinatutunayan niyon ang pag-iingat laban sa pagkakahumaling sa mga babae sa pamamagitan ng mga tinig nila ni ng pagtingin sa kanila ni ng paghabul-habol sa kanila ni ng pagkatukso ng puso sa kanila. Lahat ng iyon ay kabilang sa mga uri ng pangangalunya - magpakupkop kay Allah. Kaya mag-ingat ang malinis na matalinong tao na sa mga bahagi ng katawang ito ay may anumang nahuhumaling sa mga babae.