عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «السفر قطعة من العذاب، يمنع أحدكم طعامه وشرابه ونومه، فإذا قضى أحدكم نَهْمَتَهُ من سفره، فليُعَجِّلْ إلى أهله».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang paglalakbay ay isang piraso ng pagdurusa. Pinagkakaitan nito ang isa sa inyo ng pagkain niya, inumin niya, at tulog niya. Kaya kapag natapos ng isa sa inyo ang pakay niya sa paglalakbay niya, magmadali siya sa patungo sa mag-anak niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang sabi niya: "Ang paglalakbay ay isang piraso ng pagdurusa" ay nangangahulugang isang bahagi mula rito. Ang ipinakakahulugan ng pagdurusa ay ang sakit na namumutawi buhat sa hirap dahil sa nagaganap sa pagsakay at paglalakad na pag-iwan sa nakasanayan. Ang sabi niya:."Pinagkakaitan nito ang isa sa inyo ng pagkain niya, inumin niya" ay nangangahulugan na pinagkakaitan nito siya ng kalubusan nito at sarap nito dahil sa dulot ng paglalakbay na hirap, pagod, pagtitis sa init at lamig, pangamba, pakikipaghiwalay sa mag-anak at mga kaibigan, at kagaspangan ng pamumuhay. Ito ay dahil sa ang manlalakbay ay abala ang pag-iisip. Hindi siya nakakakain ni nakaiinom na gaya ng karaniwang pagkain niya at pag-inom niya sa mga araw niyang karaniwan at gayon din sa pagtulog. Kaya bumalik ang tao sa ginhawa sa mag-anak niya at bayan niya upang isagawa sa mag-anak niya ang pangangalaga, ang pagdidisiplina, at iba pa roon. Ang sabi niya: "Kaya kapag natapos ng isa sa inyo ang pakay niya sa paglalakbay niya, magmadali siya sa patungo sa mag-anak niya." ay nangangahulugang ang pakay ay ang pangangailangan at ang nilalayon.