عَنِ الحُسَينِ بنِ عَلِيٍّ بنِ أَبِي طَالِبٍ رضي الله عنهما قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«الْبَخِيلُ مَنْ ذُكِرْتُ عِنْدَهُ فَلَمْ يُصَلِّ عَلَيَّ».
[صحيح] - [رواه الترمذي والنسائي في الكبرى وأحمد] - [السنن الكبرى للنسائي: 8046]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Ḥusayn bin `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang kuripot ay ang sinumang nabanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin."}
[Tumpak] - - [السنن الكبرى للنسائي - 8046]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagwaksi ng pagdalangin ng basbas sa kanya sa sandali ng pagkarinig ng pangalan niya o taguri niya o paglalarawan sa kanya. Nagsabi siya: "Ang kuripot na lubos ang kakuriputan ay ang sinumang nabanggit ako sa piling niya ngunit hindi siya dumalangin ng basbas sa akin." Iyon ay dahil sa ilang bagay:
1. Na ito ay isang kakuriputan sa isang bagay na hindi siya nalulugi dahilan dito ng kaunti o marami at hindi siya nagkakaloob ng salapi ni hindi siya nagkakaloob ng isang pagsisikap.
2. Na ito ay isang kakuriputan sa sarili niya at nagkakait siya rito ng pabuya sa pagdalangin ng basbas sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil siya, sa pamamagitan ng pagtanggi niya sa pagdalangin ng basbas sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay nagmaramot nga at nagkait nga ng pagganap ng isang karapatang nauukol sa kanya ang pagganap nito bilang pagsunod sa utos at natatamo sa pamamagitan nito ang pabuya.
3. Na ang pagdalangin ng basbas sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may dulot na pagganap sa ilan sa karapatan niya sapagkat siya ang nagturo sa atin, siya ang gumabay sa atin, at siya ang nag-anyaya sa atin tungo kay Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas), at naghatid sa atin ng pagsisiwalat na ito at Batas na ito, kaya naman siya ang kadahilanan ng kapatnubayan natin – matapos ni Allāh (napakamapagpala Siya at napakataas). Ang sinumang hindi dumalangin ng basbas sa kanya, ito ay magiging nagkuripot sa sarili nito at nagkuripot sa Propeta nito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang karapatang kabilang sa pinakamababa sa mga karapatan niya.