+ -

عن أنس رضي الله عنه مرفوعاً: «عليكم بالدُّلْجَة، فإن الأرض تُطْوَى بالليل».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...

Ayon kay Anas, malugod si Allah sa kanya: "Manatili kayo sa paglalakbay sa gabi sapagkat tunay na ang daigdig ay tinutupi sa gabi."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]

Ang pagpapaliwanag

Ginagabayan ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ang Kalipunan niya na maglakbay sa gabi. Ipinabatid niya na ang lupa ay tinutupi para sa manlalakbay kapag naglakbay siya sa gabi kaya naman malalakbay niya sa gabi ang hindi niya malalakbay sa araw dahil ang hayop sa gabi ay higit na malakas sa paglalakad. Kapag nakabawi na ito ng lakas niya at nakapagpahinga sa araw ay mag-iibayo ang paglalakad nito. Gayon din ang tao, sa gabi ay magiging higit na may kakayahan sa paglalakad dahil sa kawalan ng init. Gayon din kaugnay sa mga kotse, gagaan ang init sa mga ito sa gabi.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin