عن أبي قتادة الأنصاري رضي الله عنه قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا كان في سفر، فعَرَّس بليل اضطجع على يمينه، وإذا عَرَّس قُبَيْل الصُّبْح نصَب ذراعه، ووضَع رَأْسه على كَفِّه.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Qatādah Al-Anṣārīy, malugod si Allah sa kanya: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag siya noon ay nasa isang paglalakbay at namahinga sa gabi, ay humihiga sa kanang tagiliran niya. Kapag namahinga siya bago magmadaling-araw, itinutukod niya ang braso niya at inilalagay niya ang ulo niya sa palad niya."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Bahagi ng patnubay niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noon ay na kapag nanuluyan siya sa unang bahagi ng gabi upang matulog at magpahinga ay inilalagay niya ang tagiliran niya sa lapag sa kanang bahagi niya. Kapag nanuluyan naman siya kapag malapit nang sumapit ang madaling-araw, sumasandig siya at itinurukod ang kamay niya at sumasandig dito dahil siya, kapag nasa unang bahagi ng gabi, ay natutulog sa kanang tagiliran upang maibigay sa sarili ang bahagi nito sa tulog. Kapag naman malapit nang magdaling-araw, itinurukod niya ang kamay niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at natutulog doon upang hindi lumalim ang tulog at makakaligtaan niya ang dasal sa madaling-araw.