عَنْ عِمْرَانَ بْنِ حُصَيْنٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ:
جَاءَ رَجُلٌ إِلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ: السَّلَامُ عَلَيْكُمْ، فَرَدَّ عَلَيْهِ ثُمَّ جَلَسَ، فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «عَشْرٌ» ثُمَّ جَاءَ آخَرُ فَقَالَ: السَّلَامُ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَةُ اللَّهِ، فَرَدَّ عَلَيْهِ فَجَلَسَ، فَقَالَ: «عِشْرُونَ» ثُمَّ جَاءَ آخَرُ فَقَالَ: السَّلَامُ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَةُ اللَّهِ وَبَرَكَاتُهُ، فَرَدَّ عَلَيْهِ فَجَلَسَ، فَقَالَ: «ثَلَاثُونَ».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد والدارمي] - [سنن أبي داود: 5195]
المزيــد ...
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sampu." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Dalawampu." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tatlumpu."}
[Maganda] - - [سنن أبي داود - 5195]
May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtala para sa kanya ng sampung magandang gawa." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Para sa kanya ay dalawampung magandang gawa." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Para sa kanya ay tatlumpung magandang gawa." Ibig sabihin: Sa bawat pananalita ay may sampung mabuting gawa.