عَنْ أَبِي قَتَادَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«الرُّؤْيَا الصَّالِحَةُ مِنَ اللَّهِ، وَالحُلُمُ مِنَ الشَّيْطَانِ، فَإِذَا حَلَمَ أَحَدُكُمْ حُلُمًا يَخَافُهُ فَلْيَبْصُقْ عَنْ يَسَارِهِ، وَلْيَتَعَوَّذْ بِاللَّهِ مِنْ شَرِّهَا، فَإِنَّهَا لاَ تَضُرُّهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 3292]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Qatādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang mabuting panaginip ay mula kay Allāh at ang masamang panaginip ay mula sa Demonyo. Kaya kapag nanaginip ang isa sa inyo ng isang panaginip na pinangangambahan niya, dumura siya sa dakong kaliwa niya at magpakapalakupkop siya kay Allāh laban sa kasamaan nito kaya tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 3292]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mabuting panaginip na nagpapatuwa sa sandali ng pagkatulog ay mula kay Allāh samantalang ang masamang pananaginip, ang panaginip na kinasusuklaman at nagpapalungkot, ay mula sa demonyo.
Kaya ang sinumang nakapanaginip ng kinasusuklaman niya, lumura siya sa dakong kaliwa niya at humiling siya ng pagkupkop kay Allāh laban sa kasamaan niyon kaya tunay na iyon ay hindi makapipinsala sa kanya yayamang gumawa si Allāh sa binanggit bilang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa kinasusuklamang inireresulta ng panaginip.