+ -

عن مسروق، قال: دخَلْنَا على عبد الله بن مسعود رضي الله عنه فقال: يا أيها الناس، من عَلِم شيئا فَلْيَقُلْ به، ومن لم يَعْلَم، فَلْيَقُلْ: الله أعلم، فإن من العلم أن يقول لما لا يَعْلَم: الله أعلم. قال الله تعالى لنبيه صلى الله عليه وسلم : (قل ما أسألكم عليه من أجر وما أنا من المتكلفين).
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Masrūq na nagsabi: "Pumasok kami kay `Abdullāh bin Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, at nagsabi siya: O mga tao, ang sinumang nakaalam ng anuman ay magsabi nito, at ang sinumang hindi nakaalam ay magsabi ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam) sapagkat tunay na bahagi ng kaalaman na magsabi sa anumang hindi nalalaman ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam). Nagsabi si Allah, pagkataas-taas Niya, sa Propeta Niya, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Sabihin mo: Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang kabayaran at ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari.'" (Qur'an 38:86)
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugang ng ḥadīth: Na ang tao, kapag tinanong siya tungkol sa isang bagay na nalalaman niya, ay maglilinaw nito sa mga tao at hindi maglilihim nito. Kapag naman tinanong siya tungkol sa isang bagay na hindi niya nalalaman, sasabihin niya: "Si Allah ay higit na nakaaalam" at huwag siyang magpanggap sa pagsagot. Ang "sapagkat tunay na bahagi ng kaalaman na magsabi sa anumang hindi nalalaman ng Allāhu a`lam (Si Allah ay higit na nakaaalam)" ay nangangahulugang bahagi ng kaalaman na magsabi ang tao sa hindi niya nalalaman ng: "Si Allah ay higit na nakaaalam" dahil ang nagsasabi ng: "Hindi ko nalalaman" samantalang siya ay hindi nakaaalam ay ang nakaaalam sa totoo. Siya ang nakaalam sa halaga ng sarili niya at nakaalam sa antas niya. Siya ay hindi nakaaalam kaya magsasabi siya sa hindi niya nalalaman ng: "Si Allah ay higit na nakaaalam." Sa ganang kay Imām Muslim naman, na may pananalitang: "sapagkat tunay na siya ay higit na nakaaalam sa bawat isa sa inyo na magsabi siya sa hindi niya nalalaman: Si Allah ay higit na nakaaalam." Pagkatapos ay ipinampatunay ni Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya, ang sabi Niya, pagkataas-taas Niya: "Sabihin mo: Hindi ako humihingi sa inyo para roon ng anumang kabayaran at ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari." (Qur'an 38:86) Nangangahulugan ito: Hindi ako humihingi sa inyo, dahil sa inihatid ko na kapahayagan, ng kabayaran na ibibigay ninyo sa akin. Nagpatnubay lamang ako sa inyo sa kabutihan at inaanyayahan ko kayo kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ang "ako ay hindi kabilang sa mga nagkukunwari" ay nangangahulugang hindi kabilang sa mga nagpapahirap sa inyo o mga nagsasabi nang walang kaalaman. Ang buod: hindi ipinahihintulot sa tao na magbigay ng kahatulan malibang sa puntong ipinahintulot sa kanya ang humatol. Kung si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nagnais na siya ay maging isang pinuno sa mga tao, na nagbibigay ng kahatulan sa kanila at nagpapatnubay sa kanila sa tuwid na landasin, tunay na siya ay magiging gayon. Kung si Allah ay hindi nagnais niyon, hindi niya mapakikinabangan ang kapusukan niya sa paghahatol. Iyon ay magiging kasiraan sa kanya sa Mundo at Kabilang-buhay. Maṭāli` Al-Anwār `alā Ṣiḥāḥ Al-Āthār 4/439 at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn ni Ibnu `Uthaymīn 6/391-392.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin