عن عبد الله بن عمرو بن العاص رضي الله عنهما مرفوعًا: «الراكب شيطان، والراكبان شيطانان، والثلاثة رَكْب».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد ومالك]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Amr bin Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang [isang] sumasakay ay demonyo, ang dalawang sumasakay ay dalawang demonyo, ang tatlo ay mga sumasakay."
[Maganda] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad - Isinaysay ito ni Imām Mālik]
Ang pagsaway laban sa paglalakbay ng isang tao lamang, at gayon din sa paglalakbay ng dalawang tao lamang. Ito ay sa mga pook na walang katau-tao, na walang isa mang dumaraan. Ang pag-uudyok sa paglalakbay nang magkakasama at sa isang pangkat. Ang pagsaway laban sa paglalakbay nang mag-isa ay malinaw: upang magkaroon ng makatutulong kapag nangailangan o kapag namatay at upang hindi siya dumanas ng pakana ng Demonyo. Ang sa dalawang tao naman ay baka may mangyari sa isa at ang iba pang kasama ay magiging mag-isa na lamang. Hinggil naman sa panahon natin, ang paglalakbay lulan ng kotse at tulad nito sa mga daan ng mabibilis na sasakyan, na dinaraanan ng mga manlalakbay, ay hindi na maituturing na paglalakbay nang mag-isa. Ang pasahero ay hindi na mabibiktima ng demonyo dahil ang mga kasabay na pasahero ay gaya na ng karaban, tulad ng mga daan sa pagitan ng Makkah at Riyadh, o ng Makkah at Jeddah. Subalit sa mga daang putol, na hindi dinaraanan ng mga manlalakabay, itinuturing na [ang paglalakbay sa mga ito ay gaya] ng mag-isang manlalakbay at napaloloob sa ḥadīth na ito.