عن ابن عباس رضي الله عنهما قال: سَقَيْتُ النبيَّ صلى الله عليه وسلم مِنْ زَمْزَمَ، فَشَرِبَ وهو قَائِمٌ.
عن النَّزَّالِ بنِ سَبْرَةَ رضي الله عنه قال: أَتَى عَلِيٌّ رضي الله عنه بَابَ الرَّحَبَةِ، فَشَرِبَ قَائِمًا، وقال: إِنِّي رأيتُ رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم فَعَلَ كَمَا رَأَيْتُمُونِي فَعَلْتُ.
عن عمرو بن شُعّيْبٍ، عن أبيه، عن جَدِّهِ رضي الله عنه قال: رأيتُ رسولَ اللهِ صلى الله عليه وسلم يَشْرَبُ قَائِمًا وقَاعِدًا.
[حديث ابن عباس: صحيح.
حديث النزال: صحيح.
حديث عبد الله بن عمرو: حسن] - [حديث ابن عباس -رضي الله عنهما-:
متفق عليه.
حديث النزال -رضي الله عنه-:
رواه البخاري.
حديث عبد الله بن عمرو -رضي الله عنهما-:
رواه الترمذي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Pinainom ko ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa Zamzam at uminom siya habang siya ay nakatayo." Ayon kay An-Nazzāl bin Sabrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Pumunta si `Alīy sa pintuan ng Ar-Raḥbah at uminom nang nakatayo. Nagsabi ito: Tunay na ako ay nakakita sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na gumawa ng gaya ng nakita ninyo sa akin na ginawa ko." Ayon kay `Amr bin Shu`ayb, ayon sa ama nito, ayon sa lolo niyon, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Nakita ko ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na umiinom nang nakatayo at nakaupo."
Maganda - Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy.
Nagpabatid si Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na pinainom nito ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa tubig ng Zamzam at uminom siya habang siya ay nakatayo. Uminom nga si `Alīy bin Abī Ṭālib, malugod si Allāh sa kanya, nang nakatayo at nagsabi ito: "Tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay gumawa ng gaya ng nakita ninyo sa akin na ginawa ko." Gayon din ang ipinabatid ni `Abdullāh bin `Amr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na siya ay nakakita sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na umiinom nang nakatayo at nakaupo.