+ -

عن أم ثابتٍ كَبْشَةَ بنتِ ثابتٍ أُخْتِ حَسَّانَ بنِ ثابتٍ رضي الله عنهما ، قالت: دَخَلَ عَلَيَّ رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم فَشَرِبَ مِنْ فِي قِرْبَةٍ مُعَلَّقَةٍ قائمًا، فقُمتُ إلى فِيها فَقَطَعْتُهُ.
[صحيح] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Umm Thābit Kabshah bint Thābit, na babaing kapatid ni Ḥassān bin Thābit, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at uminom siya mula sa isang nakabiting sisidlan ng tubig habang nakatayo kaya tumindig ako papunta roon at pinutol ko iyon."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si Kabshah bint Thābit, malugod si Allah sa kanya: "Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at uminom siya mula sa bibig ng isang nakabiting sisidlan ng tubig habang nakatayo..." Ginawa nga niya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, iyon dahil sa kawalan ng posibilidad na uminom sa sandaling iyon maliban sa gayong paraan. Nagsabi pa siya: "...kaya tumindig ako papunta roon at pinutol ko iyon." Ito ay upang maingatan ang diniitan ng bibig ng Sugo ni Allah, magpabiyaya rito, at mapangalagaan ito sa pagkasira.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan