عَنْ أَبِي ذَرٍّ، جُنْدُبِ بْنِ جُنَادَةَ، وَأَبِي عَبْدِ الرَّحْمَنِ، مُعَاذِ بْنِ جَبَلٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا عَنْ رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«اتَّقِ اللَّهَ حَيْثُمَا كُنْت، وَأَتْبِعْ السَّيِّئَةَ الْحَسَنَةَ تَمْحُهَا، وَخَالِقْ النَّاسَ بِخُلُقٍ حَسَنٍ».
[قال الترمذي: حديث حسن] - [رواه الترمذي] - [الأربعون النووية: 18]
المزيــد ...
Ayon kina Abū Dharr Jundub bin Junādah at Abū `Abdirraḥmān Mu`ādh bin Jabal (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Mangilag kang magkasala kay Allāh nasaan ka man naging. Pasundan mo ang gawang masagwa ng gawang maganda na papawi rito. Umasal ka sa mga tao sa isang magandang kaasalan."}
- [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]
Nag-uutos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tatlong bagay: Ang Una. Ang pangingilag magkasala kay Allāh. Iyon ay sa pamamagitan ng paggawa ng mga kinakailangan at pag-iwan ng mga ipinagbabawal sa bawat lugar, panahon, at kalagayan nang palihim at hayagan, sa kagalingan, pagsubok, at iba pa roon. Ang Ikalawa. Kapag nasadlak ka sa isang masagwang gawa, gumawa ka matapos nito ng isang magandang gawa gaya ng pagdarasal, kawanggawa, pagsasamabuting-loob, pakikipag-ugnayang pangkaanak, pagbabalik-loob, at iba pa roon sapagkat tunay na iyon ay papawi sa masagwang gawa. Ang Ikatlo. Makitungo ka sa mga tao nang may mga magandang kaasalan gaya ng pagngiti sa harap nila, kalumayan, kabanayaran, pagkakaloob ng nakabubuti, at pagpigil ng perhuwisyo.