عن أنس رضي الله عنه أنه قَالَ لِثابِتٍ رحمه اللهُ: ألاَ أرْقِيكَ بِرُقْيَةِ رسولِ اللهِ صلى الله عليه وسلم ؟ قال: بلى، قال: «اللَّهُمَّ رَبَّ النَّاسِ، مُذْهِبَ البَأسِ، اشْفِ أنْتَ الشَّافِي، لاَ شَافِيَ إِلاَّ أنْتَ، شِفَاءً لاَ يُغَادِرُ سَقماً».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, siya ay nagsabi kay Thābit, kaawaan siya ni Allāh: "Hindi ko ba bibigkasin sa iyon ang ruqyah ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Nagsabi ito: "Opo." Nagsabi siya: "Allāhumma, rabba -nnāsi, mudhhibal ba'si, ishfi anta -shshāfī lā shāfiya illā anta shifā'an lā yughādiru suqmā (O Allāh, Panginoon ng mga tao, tagapag-alis ng kapinsalaan, magpagaling Ka, Ikaw ang Tagapagpagaling: walang tagapagpagaling kundi Ikaw, pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng karamdaman)."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Si Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, ay dumalangin para kay Thābit Al-Bunānīy at nagsabi rito: "Hindi ko ba bibigkasin sa iyo ang ruqyah ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan?" Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay dumadalangin noon sa Panginoon niya para sa maysakit na alisin Niya rito ang sakit niyon, ang katindihan niyon, at ang hapdi niyon; at na gumawa Siya rito ng pagpapagaling na hindi binabalikan matapos nito ng sakit. Nagkaisa nga ang mga maaalam sa kapahintulutan ng mga ruqyah sa sandali ng pagkakatipon ng tatlong kundisyon: 1. na ito ay sa pamamagitan ng pananalita ni Allāh, pagkataas-taas Niya, o ng mga pangalan Niya o mga katangian Niya; 2. na ito ay nasa wikang Arabe o nasa anumang nalalaman ang kahulugan nito mula sa ibang wika at itinuturing na kaibig-ibig na ito ay nasa mga pananalitang nasasaad sa mga ḥadīth; at 3. na maniniwalang ang ruqyah ay hindi nakaapekto mismo, bagkus ang pagtatakda ni Allāh, pagkataas-taas Niya.