عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤْمنينَ رَضيَ اللهُ عنها قَالَت:
كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا أَتَى الْمَرِيضَ يَدْعُو لَهُ قَالَ: «أَذْهِبِ الْبَاسَ، رَبَّ النَّاسِ، وَاشْفِ أَنْتَ الشَّافِي، لَا شِفَاءَ إِلَّا شِفَاؤُكَ، شِفَاءً لَا يُغَادِرُ سَقَمًا».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2191]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag pumupunta siya sa maysakit, ay dumadalangin para rito. Nagsasabi siya: "Adhhib -lba'sa, rabba -nnāsi, wa-shfi anta -shshāfī, lā shifā'a illā shifā'uka, shifā'an lā yughādiru saqamā. (Mag-alis Ka ng dinaramdam, Panginoon ng mga tao, at magpagaling Ka: Ikaw ang Tagapagpagaling, na walang pagpapagaling kundi ang pagpapagaling Mo, sa isang pagpapagaling na hindi nag-iiwan ng isang karamdaman.)"}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2191]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumalaw siya sa isang maysakit, ay dumadalangin para rito sapagkat nagsasabi siya: O Allāh, "[M]ag-alis Ka" at magpawi Ka "ng dinaramdam" at katindihan ng sakit, "Panginoon ng mga tao," Tagalikha nila, at Tagapag-alaga nila, "at magpagaling Ka" ng sakit na ito: "Ikaw," kaluwalhatian sa Iyo, "ang Tagapagpagaling," at nagsusumamo ako sa Iyo sa pangalan Mo, ang Tagapagpagaling, "na walang pagpapagaling" na mangyayari sa maysakit "kundi ang pagpapagaling Mo" at ang pagpapabuti Mo "sa isang pagpapagaling," na walang-takda, "na hindi nag-iiwan," hindi nagtitira, at hindi naglalagak ng isang karamdaman at sakit na iba pa.