عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «لما خلق الله آدم صلى الله عليه وسلم قال: اذهب فَسَلِّمْ على أولئك -نَفَرٍ من الملائكة جلوس- فاستمع ما يُحَيُّونَكَ؛ فإنها تَحِيَّتُكَ وتحية ذُرِّيتِكَ. فقال: السلام عليكم، فقالوا: السلام عليك ورحمة الله، فَزَادُوهُ: ورحمة الله».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abē Hurayrah, malugod si Allah sa kanya.-Hadith na marfu : ((Nang likhain ni Allah si Adam-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Siya ay nagsabi:Pumunta ka [sa kanila] at bumati ka sa kanilang mga grupo ng Anghel na nakaupo,Pakinggan mo kung ano ang [salitang] paagbati ang gagamitin nila sa iyo,sapagkat ito ang magsisilbing pagbati mo at pagbati ng mga anak mo.Ang sabi niya: Ang pangangalaga ay sumainyo,Ang sabi nila: Ang pangangalaga ay sumaiyo at ang habag ni Allah,Dinagdagan nila ito ng;at ang habag ni Allah))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang kahulgan ng Hadith: "Nang likhan ni Allah si Adam,inutusan niya ito na pumunta sa grupo ng mga Anghel,at batiin niya sila ng pangangalaga,at pinakikinggan niya ang isasagot nila sa kanya,At ito ang magiging pagbating gagamitin sa pagitan niya at pagitan nila;at ito ang pagbating ipapahintulot sa kanya at sa mga anak niya na susunod sa kanya,at sa sinumang kabilang sa relihiyon ng mga Sugo" Ang sabi niya:Ang pangangalaga ay sumainyo,Ang sabi nila: Ang pangangalaga ay sumaiyo at ang habag ni Allah" Dinagdagan nila ito ng:" At ang habag ni Allah" " Kaya`t ang salitang ito ay ipinapahintulot sa pagbibigay bati at pagsagot sa kanya