+ -

عن أبي سعيد رضي الله عنه قال: كان النبي صلى الله عليه وسلم يقول: «إذا وُضِعت الجَنَازَة واحْتَمَلَهَا الناس أو الرجال على أَعْنَاقِهِم، فإن كانت صالحة، قالت: قَدِّمُونِي قَدِّمُونِي، وإن كانت غير صالحة، قالت: يا وَيْلها! أين تَذهبون بها؟ يسمعُ صوتها كل شيء إلا الإنسان، ولو سَمِعَه صَعِق».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag naihanda na ang ililibing at pinasan na ito ng mga tao o ng mga lalaki sa mga balikat nila; kung ito ay matuwid, magsasabi ito: 'Isulong ninyo ako, isulong ninyo ako.' Kung ito naman ay hindi matuwid, magsasabi ito: 'Kapighatian sa kanya; saan ninyo siya dadalhin?' Naririnig ang tinig nito ng bawat bagay maliban sa tao; at kung sakaling narinig niya uti, nawalan na sana siya ng malay."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Kapag inilagay ang ililibing sa andas, pagkatapos ay pinasan na ito ng mga lalaki sa mga balikat nila; kung ito ay kabilang sa mga alagad ng kabutihan at pagkamatuwid, magsasabi ito: "Madaliin ninyo ako." Natutuwa at nagagalak ito dahil sa nakikita nito sa harapan nito ng lugod ng Paraiso. Kung ito naman ay kabilang sa hindi mga alagad ng kabutihan at pagkamatuwid, magsasabi ito sa mag-anak nito: "O kasawian nito, o pagdurusa nito," dahil sa nakikita nito na kasagwaan ng hantungan kaya naman kinasusuklaman nito na sumulong doon. Naririnig ang tinig nito ng lahat ng mga nilikha gaya ng hayop at bagay, maliban sa tao. Kung sakaling narinig niya ito, talagang nawalan na sana siya ng malay o nasawi dahil doon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Swahili Tamil Asami الأمهرية الهولندية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan