عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما «أن رسول الله - صلى الله عليه وسلم - اصْطَنَعَ خَاتَمًا من ذهب، فكان يجعل فَصَّهُ في باطن كَفِّهِ إذا لَبِسَهُ، فصنع الناس كذلك، ثم إنه جلس على المنبر فَنَزَعَهُ فقال: إني كنت أَلْبَسُ هذا الخَاتَمَ ، وأجعل فَصَّهُ من داخل، فرمى به ثم قال: والله لا أَلْبَسُهُ أبدا فَنَبَذَ الناس خَواتِيمَهُمْ».
وفي لفظ «جعله في يده اليمنى».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullah bin Umar-malugod si Allah sa kanya-((Na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nag-utos na gumawa para sa kanya ng singsing na yari sa ginto,at inilalagay niya ang bato nito sa palad ng kamay niya kapag sinusuot niya ito,at gumawa rin ang mga tao ng tulad nito,Pagkatapos ay umupo siya sa entablado,at tinanggal niya ito,At nagsabi siya; Katotohanan, sinusuot ko ang singsing na ito,at inilalagay ko ang bato nito (ng singsing) sa loob,Hanggang sa itinapon niya ito,pagkatapos ay nagsabi siya; Sumpa kay Allah, Hinding-hindi ko na ito susuotin magakailanman,Kaya`t iniwan din ng mga tao (ang pagsusuot) ng mga singsing nila)) at sa ibang pananalita (( inilagay niya ito sa kanang kamay niya))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Nag-utos ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na igawa siya siya ng singsing na yari sa ginto,at kapag sinusuot niya ito inilalagay niya ang bato nito sa palad ng kamay niya,Sinunod ito ng mga kasamahan ng Propeta at gumawa din sila tulad ng ginawa niya,at pagkalipas ng ilang panahon ay umupo ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa entablado upang makita ng mga Tao,pagkatapos ay sinabi niya; Katotohanang sinusuot ko ang singsing na ito at inilalagay ko ang bato nito sa paad ng kamay ko,pagkatapos ay itinapon niya ito at nagsabi siya;(( Sumpa kay Allah Hinding-hindi ko na ito susuotin muli,at ito ay pagkaraan ng pagbabawal rito,kaya`t itinapon din ng mga kasamahan ng Propeta ang mga singsing nila bilang pagsunod sa Sugo ni Allah-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan.