عَنْ وَحْشِيِّ بْنِ حَرْبٍ رَضيَ اللهُ عنه:
أَنَّهُمْ قَالُوا: يَا رَسُولَ اللَّهِ، إِنَّا نَأْكُلُ وَلَا نَشْبَعُ، قَالَ: «فَلَعَلَّكُمْ تَأْكُلُونَ مُتَفَرِّقِينَ؟» قَالُوا: نَعَمْ. قَالَ: «فَاجْتَمِعُوا عَلَى طَعَامِكُمْ، وَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهِ، يُبَارَكْ لَكُمْ فِيهِ».
[حسن] - [رواه أبو داود وابن ماجه وأحمد] - [سنن ابن ماجه: 3764]
المزيــد ...
Ayon kay Waḥshīy bin Ḥarb (malugod si Allāh sa kanya):
{Sila ay nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami ay kumakain at hindi nabubusog." Nagsabi siya: "Kaya baka kayo ay mga nagkakahiwa-hiwalay?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh dito, magpapala Siya sa inyo rito."}
[Maganda] - - [سنن ابن ماجه - 3764]
Nagtanong ang ilan sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi sila: "Tunay na kami ay kumakain at hindi nangyayari sa ganang ami9n ang pagkabusog."
Kaya nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya baka kayo ay naghihiwa-hiwalay sa sandali ng pagkain sapagkat kumakain ang bawat isa sa pagkabukod-tangi niya?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo, kumain kayo na hindi mga nagkakahiwa-hiwalay, at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkain sa pamamagitan ng pagsabi ng: Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," magpapala sa inyo si Allāh dito at matatamo sa inyo ang pagkabusog.