عن عبد الله ابن عباس رضي الله عنهما مرفوعاً: «إن الله تَجَاوزَ لِي عن أمتي الخطأَ والنِّسْيانَ وما اسْتُكْرِهُوا عليه».
[صحيح لطرقه] - [رواه ابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tunay na si Allāh ay nagpalampas para sa akin sa Kalipunan ko sa pagkakamali, pagkalimot, at anumang napilitan sila."
[Tumpak sa mga paraan at mga patotoo nito] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]
Bahagi ng awa ni Allāh, pagkataas-taas Niya, sa Kalipunang ito na nagpaumanhin Siya sa kasalanan ng pagkakamali hanggat hindi naman nila sinasadya gaya ng mga pagsuway, pagkalimot sa mga tungkulin o paggawa ng mga ipinagbabawal subalit kapag naalaala naman ang tungkulin bandang huli ay isinasagawa ito, at anumang napilitan sila at pinilit silang gawing mga pagsuway at mga krimen. Nagsabi si Allāh (Qur'ān 22:78): "at hindi Siya naglagay sa inyo sa Relihiyon ng anumang pahirap..."