+ -

عن عمر بن الخطاب وابنه عبد الله وأبي هريرة رضي الله عنهم مرفوعاً: «أُمِرْتُ أن أقاتل الناس حتى يشهدوا أن لا إله إلا الله وأن محمدًا رسول الله، ويُقيموا الصلاة، ويُؤتوا الزكاة، فإذا فعلوا ذلك عصموا مني دماءَهم وأموالَهم إلا بحق الإسلام وحسابُهم على الله تعالى ».
[صحيح] - [متفق عليها. حديث عبد الله بن عمر بن الخطاب -رضي الله عنه-: رواه البخاري (1/ 14 رقم25)، ومسلم (1/ 53 رقم22). حديث عمر بن الخطاب -رضي الله عنه-: رواه البخاري (2/ 105 رقم1399) (9/ 15 رقم6924) (9/ 93 رقم7284)، ومسلم (1/ 51 رقم20). حديث أبي هريرة -رضي الله عنه-: رواه البخاري (4/ 48 رقم2946)، ومسلم (1/ 52 رقم21)]
المزيــد ...

Ayon kina `Umar bin Al-Khaṭṭāb, anak niyang si `Abdullāh, at Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanila: "Inutusan akong makipaglaban sa mga tao hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allah at na si Muḥammad ay Sugo ni Allah, magpanatili ng dasal, at magbigay ng zakāh. Kapag ginawa nila iyon, maliligtas mula sa akin ang mga buhay nila at mga ari-arian nila malibang ayon sa karapatan ng Islām at ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allah, pagkataas-taas Niya."
[Tumpak] - [Napaagkaisahan sa Katumpakan sa buong naisalaysay niya]

Ang pagpapaliwanag

Tunay na si Allah, pagkataas-taas Niya, ay nag-utos ng pakikipaglaban sa mga Mushrik (nagtatambal kay Allah) hanggang sa sumaksi sila na walang sinasambang karapat-dapat maliban kay Allah - tanging Siya: walang katambal sa Kanya at sumaksi sila para kay Muḥammad ng pagkasugo, at ng paggawa ayon sa hinihiling ng pagsasaksing ito gaya ng pangangalaga sa limang dasal at pagbibigay ng zakāh sa sandali ng pagsasatungkulin dito. Kapag isinagawa nila ang mga saligang ito kalakip ng isinatungkulin ni Allah sa kanila, ipagsasanggalang sila at pangangalagaan sila sa mga buhay nila laban sa pagkapatay, at sa mga ari-arian nila dahil sa pagtatangol sa mga ito ng Islām malibang ayon sa karapatan ng Islām sa pamamagitan ng pagkumpiska mula sa isa ng anumang inihatol ng Batas ng Islām na kunin gaya ng [kabayaran] dahil sa pantay na parusa o takdang parusa o iba pa roon. Ang sinumang gumawa sa ipinag-utos sa kanya, siya ang Mananampalataya. Ang sinumang gumawa niyon dahil sa pangingilag at pangamba sa ari-arian niya at buhay niya, siya ang Munāfiq (Nagkukunwaring Muslim). Si Allah ay nakaaalam sa anumang inililihim niya kaya tutuusin siya dahil doon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية التشيكية Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف الأوكرانية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan