عن ابن عباس رضي الله عنهما كان النبيُّ صلى الله عليه وسلم إذا تَهَجَّد من الليل قال: «اللهم ربَّنا لك الحمدُ، أنت قَيِّمُ السموات والأرض، ولك الحمدُ أنت ربُّ السموات والأرض ومَن فيهنَّ، ولك الحمدُ أنت نورُ السموات والأرض ومن فيهنَّ، أنت الحقُّ، وقولُك الحقُّ، ووعدُك الحقُّ، ولقاؤك الحقُّ، والجنةُ حقٌّ، والنارُ حقٌّ، والساعةُ حقٌّ، اللهم لك أسلمتُ، وبك آمنتُ، وعليك توكَّلتُ، وإليك خاصمتُ، وبك حاكمتُ، فاغفر لي ما قدَّمتُ وما أخَّرتُ، وأسررتُ وأعلنتُ، وما أنت أعلم به مني، لا إلهَ إلا أنت».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Abbās, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nagsagawa siya ng tahajjud sa gabi, ay nagsasabi: "Allāhumma rabbanā, laka -lḥamdu anta qayyimu -ssamāwāti wa -l’arḍ, wa laka -lḥamdu anta rabbu -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinna, wa laka -lḥamdu anta nūru -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinn, anta -lḥaqqu, wa qawluka -lḥaqqu, wa wa`duka -lḥaqqu, wa liqā’uka -lḥaqqu, wa -ljannatu ḥaqqun, wa -nnāru ḥaqqun, wa -ssā`atu ḥaqq; Allāhumma laka aslamtu, wa bika āmantu, wa `alayka tawakkaltu, wa ilayka khāṣamtu, wa bika ḥākamtu, fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta (O Allāh Panginoon namin; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Tagapagpanatili ng mga langit at lupa; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Panginoon ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; ukol sa Iyo ang papuri, Ikaw ay Liwanag ng mga langit at lupa at ng sinumang nasa mga ito; Ikaw ay ang Totoo, ang sabi Mo ay ang totoo, ang pangako Mo ay ang totoo, ang pagkikipagkita sa Iyo ay ang totoo, ang Paraiso ay totoo, ang Impiyerno ay totoo, at ang Huling Sandali ay totoo; o Allāh, sa Iyo ako nagpasakop, sa Iyo ako sumampalataya, sa Iyo ako nanalig, dahil sa Iyo ako nakipagtalo, at sa Iyo ako nagpahukom, kaya magpatawad Ka sa akin sa anumang [kasalanang] naunang nagawa ko, anumang [kasalanang] nahuling nagawa ko, inilihim ko, inihayag ko, at anumang Ikaw ay higit na nakaaalam hinggil doon kaysa sa akin; walang Diyos kundi Ikaw)."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag bumangon para magdasal sa gabi, ay nagsasabi matapos magsagawa ng panimulang takbīr: "Allāhumma rabbanā laka -lḥamd..." Nangangahulugan ito: Ang lahat ng papuri ay isinasatungkulin at karapat-dapat para kay Allāh, pagkataas-taas Niya sapagkat Siya ang pinupuri dahil sa mga katangian Niya at mga pangalan Niya, dahil sa mga pagpapala Niya at mga pagpapakinabang Niya, dahil sa paglikha Niya at mga gawa Niya, at dahil sa utos Niya at pamamahala Niya. Siya ay ang pinupuri sa una at huli, at sa hayagan at palihim. Pagkatapos ay nagsabi siya: "anta qayyimu -ssamāwāti wa -l’arḍ..." Nangangahulugan ito: Ikaw ay ang nagpairal sa mga ito mula sa wala at ang nangangalaga sa mga ito sa pamamagitan ng anumang magpapabuti sa mga ito at magpapairal sa mga ito sapagkat Ikaw ay ang Tagapaglikha, ang Tagapagtustos, ang Tagapagmay-ari, ang Tagapangasiwa, ang Tagabuhay, at ang Tagabawi ng buhay. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa laka -lḥamdu anta rabbu -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinna..." Nangangahulugan ito: Ikaw ay ang Tagapagmay-ari ng mga ito at ng sinumang nasa mga ito, ang Tagapangasiwa sa mga ito sa pamamagitan ng kalooban Mo. Ikaw ay nagpalitaw sa mga ito mula sa wala sapagkat ang pagmamay-ari ay sa Iyo at hindi sa isa mang kasama sa Iyo sa pakikilahok at pamamalakad. Napakamapagpala Mo at pagkataas-taas Mo. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa laka -lḥamdu anta nūru -ssamāwāti wa -l’arḍi wa man fīhinn..." sapagkat kabilang sa mga katangian Niya, napakamaluwalhati Niya, na Siya ay Liwanag at natatakpan Siya sa nilikha Niya sa pamamagitan ng liwanag. Siya, napakamaluwalhati Niya, ay Tagapagliwanag sa mga langit at lupa, at Tagapaggabay sa mga naninirahan sa mga langit at lupa. Hindi nararapat ipagkaila ang liwanag bilang katangian kay Allāh, pagkataas-taas Niya, o ipakakahulugan ito. Pagkatapos ay nagsabi siya: "anta -lḥaqqu..." Ang ḥaqq (totoo) ay isa sa mga pangalan ni Allāh at isa sa mga katangian Niya. Siya ay ang totoo sa sarili Niya at mga katangian Niya sapagkat Siya ay ang kinakailangan sa pag-iral, at ang lubos sa mga katangian at mga paglalarawan. Ang pag-iral Niya ay isa sa mga nakakapit sa sarili Niya. Walang pag-iral sa isang kabilang sa mga bagay malibang sa pamamagitan Niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa qawluka -lḥaqqu..." Ang anumang sinabi Mo, ito ay katapatan, totoo, at katarungan. Hindi nakapupunta sa Kanya ang kabulaanan sa harapan Niya, ni sa likuran Niya, ni sa ulat Niya, ni sa pamamahala Niya at Batas Niya, at ni sa pangako Niya at banta Niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa wa`duka -lḥaqqu..." Nangangahulugan ito: Hindi Ka sumisira sa pangako sapagkat ang anumang ipinangako Mo ay hindi maiiwasang maganap ayon sa ipinangako Mo sapagkat walang pagsira rito ni pagpapalit. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa liqā’uka -lḥaqqu..." Nangangahulugan ito: Hindi maiiwasan ng mga tao ang makipagtagpo sa Iyo kaya gagantihan Mo sila sa mga gawa nila. Ang pagkikipagtagpo ay naglalaman ng pagkakita kay Allāh, napakamaluwalhati Niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa -ljannatu ḥaqqun, wa -nnāru ḥaqqun..." Nangangahulugan ito: Napatunayang umiiral gaya ng ipinabatid Mo hinggil doon na ang dalawang ito ay para sa mga maninirahan sa dalawang ito sapagkat ang dalawang ito ay tahanan ng pananatili at tungo sa dalawang ito ang hantungan ng mga tao. Pagkatapos ay nagsabi siya: "wa -ssā`atu ḥaqq..." Nangangahulugan ito: Ang pagdating ng Araw ng Pagkabuhay ay totoo, walang pagdududa doon sapagkat ito ay napagtibay, hindi maiiwasan ito. Ito ay ang wakas ng Mundo at ang simula ng Kabilang-buhay. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Allāhumma laka aslamtu..." Ang kahulugan nito ay nagpaakay ako sa pamamahala Mo, sumuko ako, at nalugod ako. Ang sabi niya: "wa bika āmantu..." ay nangangahulugan: Naniwala ako sa Iyo at sa ibinaba Mo, at gumawa ako ayon sa hinihiling niyon. Ang "wa `alayka tawakkaltu..." ay nangangahulugang: Umasa ako sa Iyo at isinalig ko ang mga kapakanan ko sa Iyo. Ang "wa ilayka khāṣamtu..." ay nangangahulugang: Sa pamamagitan ng ibinigay Mo sa akin na mga patunay na ipinangatwiran ko sa nagmamatigas at nadaig ko. Ang "wa bika ḥākamtu..." ay nangangahulugang: Sa bawat sinumang umayaw sa pagtanggap sa katotohanan o tumanggi rito, ipinahatol ko siya sa Iyo at ginawa Kang ang Tagahatol sa pagitan ko at niya habang umiiwas sa pamamagitan niyon sa hatol ng bawat nagdidiyus-diyusan batay sa gawa-gawang batas o ng manghuhula o ng iba pa na dinudulugan ng tao sa pagpapahatol sa mga katayuang walang kabuluhan ayon sa Batas ng Islām. Ang sabi niya: "fa-ghfir lī mā qaddamtu, wa mā akhkhartu, wa asrartu, wa a`lantu, wa mā anta a`lamu bihi minnī; lā ilāha illā anta..." ay nangangahulugang: Magpatawad ka sa akin sa anumang nalaman kong mga pagkakasala, anumang malalaman ko, anumang lumitaw sa mga ito sa isa sa nilikha Mo, at anumang nakakubli sa kanila at hindi nalaman ng iba pa sa Iyo. Pagkatapos ay winakasan niya ang panalangin niya sa pamamagitan ng sabi niya: "walang Diyos kundi Ikaw..." kaya hindi ako bumabaling sa iba pa sa Iyo yayamang ang bawat dinidiyos na iba sa Iyo ay walang kabuluhan at ang pagdalangin dito ay pagkaligaw at masamang kahihinatnan. Ito ang Tawḥīḍ na inihatid ng mga sugo ni Allāh at isinatungkulin Niya, pagkataas-taas Niya, sa mga lingkod Niya.