عن أبي أيوب الأنصاري رضي الله عنه أن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «الوِتر حَق، فمن شاء أوْتَر بِسبْعٍ، ومن شاء أوْتَر بخمس، ومن شاء أوْتَر بثلاث، ومن شاء أوْتَر بواحدة».
[صحيح] - [رواه النسائي وأبو داود وابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay Ayyūb Al-Ansārī-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagsabi:((Ang dasal na Witr ay tunay,Sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang pitong (tindig),at sinuman ang magnais,at magdasal ng Witr nang limang tindig,at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang tatlong tindig at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang isang tindig))
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Ang kahulugan ng Hadith: "Ang dasal na Witr ay tunay" Ang Tunay:darating na ang kahulugan ay Napanatili,ibig sabihin ay: Napanatili sa Sunnah,ay dito at may uri ng pagpapatatag,at darating din sa kahulugang Obligado,at ang nais ipahiwatig dito at ang una:Ipinapatatag ang pagpapahintulot dito;dahil sa mga naisalasay na mga patunay na hayag,na nagpapatunay sa hindi pag-oobliga dito. Kabilang dito: Ang naisalaysay ng dalawang Shiekh mula sa Hadith ni Talhah bin 'Ubaydillah,nagsabi siya:Dumating ang isang lalaki sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa naninirahan sa Najd,ayon sa Hadith,at napapaloob rito,Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Limang beses na Pagdarasal sa Araw at Gabi) Nagsabi siya:" Mayroon pa bang iba ( obligadong gawain )sa akin, maliban dito" Nagsabi siya: Wala na,maliban sa pagganap mo ng dasal na Kusang-loob) Kung ito Obligado,binanggit niya ito kasama ang Limang beses ng Pagdarasal.At kabilang din dito;Ang Sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Limang beses na pagdarasal,na inobliga ni Allah sa kanyang mga alipin,Sinuman ang gumanap sa mga ito,ay hindi magpapasawalang-bahala mula rito kahit kaunti lamang,bilang pagtugon sa mga karapatan nito,mapapasakanya mula kay Allah,ang pangako na mapapasok siya sa Paraiso.)) At kabilang pa sa mga patunay sa Hindi pagiging obliga nito: Ang naisalaysay dito ng dalawang Shiekh mula sa Hadith ni 'Abbās-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay "Ipinadala niya si Muaz sa Yaman ayon sa Hadith" At napaloob dito;" Ipaalam mo sa kanila na si Allah ay nag-obliga sa kanila ng Limang beses na pagdarasal sa Araw at Gabi" at ito and pinakamainam na gawing patunay rito;Dahil ang pagppadala kay Muadh ay naganap bago siya pumanaw-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa napakadali-At kabilang din sa mga patunay,Ayon kay 'Alī-malugod si Allah sa kanya-:((Ang Dasal na Witr at hindi inoobliga)) at dahil dito,ang magiging nais ipahiwatig:sa pagsabi niyang:" Tunay" Ay Karagdagan sa pagpapatibay nito at kainaman nito at ito ay Pinagtibay na Sunnah at ito ay tunay."Sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang pitong tindig at sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang limang tindig" Ang kahulugan nito: Magdasal ng dalawang tindig,dalawang tindig,pagkatapos ay magdasal ng Witr nang isang tindig,At ang siyang Panimula; Dahil sa sinabi niya-Ang dasal na Gabi ay dalawa,dalawa)Napagkaisahan sa Katumpakan.At malamang siya ay nagbabasa rito g nagbabasa at Hindi siya umuupo maliban sa panghuling tindig,at ito ay ipinapahintulot,at naisalaysay mula sa mga gawain niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Tulad ng naisaad sa Musnad ni Imām Ahmad (aklat),mula sa Hadith ni Ummi Salamah-malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya: " Nagdarasal siya ng Witr nang pitong tindig at limang tindig,Hindi niya pinaghihiwalay ang mga ito sa Taslēm at hindi sa salita"At sa salaysay ni Imām Abē Dawūd mula sa Hadith ni 'Āishah-malugod si Allah sa kanya-: " At siya at nagdarasal ng Witr nang limang tindig,hindi siya umuupo sa mga pagitan nito maliban sa panghuli nito" At sinuman ang magnais ay magdasal ng Witr nang tatlong tindig"Ang kahulugan nito:Magdasal ng dalawang tindig lagkatapos magsagawa ng Taslēm,pagkatapos ay magdasal ng isang tindig;dahil sa sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(Ang dasal na gabi ay dalawang tindig,dalawang tindig) Napagkaisahan sa Katumpakan.At malamang na ang nais ipahiwatig ay: Binasa niya ito ng (tuloy-tuloy),Ibig sabihin ay;Nagdarasal siya ng tatlong tindig na tuloy-tuloy,Hindi siya umuupo maliban sa panghuling tindig,at ito ay naipanatili mula sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-mula sa Hadith ni Ubayy bin Ka'b,Nagsabi siya:Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ay nagbabasa sa Dasal na Witr ang, Luwalhatiin ang Pangalan ng Panginoon Mo,na Napakataas,at sa Pangalawang tindig ay: Ipagbadya mo (O Muhammad),O kayong mga Hindi mananampalataya,at sa Pangatlo at: Ipagbadya mo (O Muhammad), Siya si Allah,Nag -iisa, at hindi siya nagsasagawa ng Taslēm maliban sa pinakahuli nito" Isinalaysay ito ni Imām An-Nisā-ie, At ayon kay 'Āishah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Siya ay Hindi nagsasagawa ng Taslēm sa dalawang tindig ng Witr"Isinaysay ito ni Imām An-Nisā-ie. Nagsabi si Shiekh Ibn 'Uthaimēn-kaawaan siya ni Allah-:" ipinapahintulot ang pagdarasal ng Witr nang tatlong tindig,at ipinapahintulot sa limang tindig,at ipinapahintulot sa pitong tindig,at ipinapahintulot sa siyam na tindig,at kapag nagdasal siya ng tatlong tindig,maigaganap niya ito sa dalawang katangian,at ang bawat isa rito ay ipinapahintulot: Ang Unang Katangian:Ang pagpapatuloy niya ng tatlong tindig sa iisang Tashahhud lamang.Ang Pangalawang Katangian:Ang magsagawa ng Taslēm mula sa ikalawang tindig,pagkatapos ay magdasal ng Witr ng isang tindig" At ang pinaka-mainam ay magsagawa ng Taslēm sa bawat dalawang tindig,pagkatapos ay magdasal ng isang tindig bilang Witr niya sa mga naiganap niyang dasal,Sapagkat napapaloob rito ang karagdagang gawain at ito ay higit mula sa mga Gawain niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-."At sinuman ang magnais at magdasal ng Witr nang isang tindig " Ibig sabihin ay: Tindig na mag-iisa na Hindi masasamahan ng pares.