عن علي رضي الله عنه قال: «الوِتر ليس بِحَتْمٍ كَهَيْئَةِ الصلاة المَكتوبة، ولكن سُنَّة سَنَّها رسول الله صلى الله عليه وسلم ».
[صحيح] - [رواه الترمذي و أحمد و النسائي و ابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay Ali bin Abe Talib- malugod si Allah sa kanya-Nagsabi siya:((Ang dasal na Witr ay hindi obligado na tulad ng pagsasagawa sa mga Dasal na Obligado,Ngunit ito ay Sunnah na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan))
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang kahulugan ng Hadith: "Ang dasal na Witr ay hindi obligado"Ibig sabihin ang dasal na Witr ay hindi Obligado;"na tulad ng pagsasagawa sa mga Dasal na Obligado"ibig sabihin ay:Tulad ng Limang beses na pagdarasal,"Ngunit ito ay Sunnah na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaaan" Ito ay pagpapatibay sa sinabi niya" Hindi Obligado" Ang dasal na Witr ay Kusang-loob at Sunnah lamang,"Na ginawa ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan" Ibig sabihin ay:Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,Ginawa niya sa atin na Sunnah ang Witr at hindi niya ito inobliga sa atin.Tashel Al-Elmam (2/371)