عن أم حبيبة رضي الله عنها مرفوعًا: «من حَافَظ على أربع رَكعات قبل الظهر وأربع بعدها حَرَّمَه الله على النَّار».
[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد وأبو داود والنسائي وابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay Ummu Habibah-malugod si Allah sa kanya-sa Hadith na Marfu-((Sinuman ang magpanatili sa apat na tindig bago ang dasal na Dhuhr at apat na tindig pgkatapos nito,Ipagkakait ni Allah sa kanya ang Impiyerno))
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ang kahulugan ng Hadith : "Sinuman ang magpanatili sa apat na tindig bago ang dasal na Dhuhr"Ibig sabihin ay: pinagpapatuloy at nagpapanatili sa apat na tindig bago ang dasal ng Dhuhr," At apat na [tindig] pagkatapos nito" ibig sabihin ay:Nagpapanatili sa apat na tindig pagkatapos ng dasal na Dhuhr,"Ipagkakait ni Allah sa kanya ang Impiyerno" ito ang magiging gantimpala niya,Na si Allah pagkataas-taas Niya-ay hahadlangan niya ito na makapasok sa Impiyerno, At sa isang salaysay " Ipagkakait ni Allah ang laman niya sa Impiyerno" at sa iba: "Hindi siya magagalaw ng Impiyerno"Ang Hadith ni Ummu Habibah-malugod si Allah sa kanya-Ay napapaloob ang pagkakait sa Impiyerno kaya hindi siya magagalaw ng Impiyerno at hindi malalapitan nito,Kapag pinanatili ng tao ang apat [na tindig] bago ang dasal na Dhuhr,at ang apat [na tindig] pagkatapos nito,Hahadlangan ni Allah ito dahil sa Kainaman Niya-na mapasok ng Impiyerno.