+ -

عن عائشة رضي الله عنها : أن النبي صلى الله عليه وسلم دخل عليها وعندها امرأة، قال: «من هذه؟» قالت: هذه فلانة تذكر من صلاتها. قال: «مَهْ، عليكم بما تطيقون، فوالله لا يَمَلُّ الله حتى تَمَلُّوا» وكان أحب الدين إليه ما داوم صاحبه عليه.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid nito at sa piling nito ay may isang babae. Nagsabi siya: Sino ito? Nagsabi ito: Ito ay si Polana. Binabanggit nito ang [dami ng] pagdarasal nito. Nagsabi siya: "Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Dinalaw ng isang babae si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, at binanggit nito sa kanya ang dami ng dasal niya. Binanggit naman ni `Ā’ishah iyon sa Sugo ni Allah, malugod si Allah sa kanya, kaya ipinagbawal niya sa atin ang pagpapalabis-labis sa pagsamba at pag-aatang sa sarili ng hindi nakakaya nito. Ipinabatid niya rito na si Allah ay hindi makikitungo sa inyo ng pakikitungo ng panghihinawa hanggang sa manghinawa kayo at itigil ninyo ang pagsamba. Nararapat sa inyo na gawin ang makakayang panatiliin upang manatili ang gantimpala Niya sa inyo at ang kabutihang-loob Niya sa inyo.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Tamil
Paglalahad ng mga salin